297
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiHIOklPU5PSRodaKigRBKIOzOpyWNlKRnqs3zWUT_aAJtZfp_9aLwBKO8NZvEgiRh13XE16LG33_g0B9GbQ43iLqknr8ej_MlR07_6VLypA3f5nAlVfotliGmm9rce6esUtRgh/s1600/297.JPG)
Nabasa ko nga yung article ni
Melvin Calingo (aka
taga-ilog) na
Filipino Comics and Everything in Between mula kay
Boltzman. Ang mga naka-blockquote dito sa buong post na ito ay excerpts mula sa kanyang article.
Filipino comics are comics created primarily for Filipino consumption.
(pagkain naiisip ko pag consumption) Parang yan na ang pinaka matinding punto sa kanyang article na inagrihan ko. Yun nga lang hindi ko pa rin maaalis ang ideya na kapag Manga ang style mo, napopromote mo pa rin kahit papaano ang mga Hapon. Kasi kahit sino naman yata Hapon ang nasaisip kapag nakakita ng Manga style na drowing.
Kung ako naman tatanungin okey lang kung Manga ang style sa pagdodrowing (syempre Manga din ang style ko eh haha) kaya lang ang napansin ko kasi na kapag Manga ang style, kadalasan pati yung mismong theme ng komiks ay Hapon. Tapos lalagyan pa ng mga character na Hapon din ang pangalan. Tas paminsan-minsan naghahapon siya (si pompoms!). Tas pag sa school ang setting eh naka Sailor Uniforms sila (meron bang ganoong school dito?).Tas pati yung mga fanservice ng Manga eh ginagaya nila - maraming pantyshots! Kaya naman lalong nagagalit ang mga pinoy artist. 0_o
298
Kaya ayun - Basta para sa pinoy ang komiks mo, pinoy komiks yan.
It would seem that the more identifiable the nationality of the characters are in the comic book, the more Filipino it becomes.
Mukhang tama din to. Pag pinakita mo sa isang ordinaryong tao ang komiks na lastikman, panday o darna, masasabi nila agad na pinoy gumawa niyan kasi mukha naman talagang pinoy yung features nung mga tao. Pag nakita mo ang Mulan, alam mong Chinese siya (super singkit).
Kung singkit – Chinese ang gumawa niyan. Kung matangos – Amerikano. Kung pango – Pinoy. Ngayon alam ko kung ano ang iniisip niyo – BAKET? MUKHA BANG HAPON ANG MGA CHARACTERS NG ANIME!? Ang sagot ko ay pareho ng sagot ni taga-ilog – HINDE!
Nakakatawa nga ang mga hapon kasi hindi naman nila kamukha ang mga tao sa Anime pero pag nagdrowing sila ng Amerikano, MUKHANG AMERIKANO!
Sinabi nga ni Sir Gerry, ganyan kalakas ang Manga style. Napaka-distinct niya at yung pagiging “dinstinct” nga niya ang nagbigay sa kanya ng lakas! (antindi nun haha) Ngayon nirerespeto ko naman ang pananaw ni Sir Gerry na mayroon ngang “Pinoy Group Style.”
In the early 70's, if one is so immersed in Philippine comics, the “Filipino style” is as unmistakable as manga is today. If one picked up a DC comic book in the 70's, one can immediately tell if the artist was Filipino or not. Our style was that recognizable.
- Gerry Alanguilan
Ang problema lang diyan ay kailangang eksperto ka muna bago mo mapansin kung pinoy ba nagdrowing kay Superman sa isang issue o isang Kano pala. Or palitan na natin yung term na “eksperto” – dapat kilala mo yung “Style” nung nagdrowing.
Sa unang tingin pa lang may ideya na kaming magkakaklase kung sino ang nagdrowing. Yung kapal ng lines, diin ng pagdrowing, yung mga kurba – mapapansin mo yun kung kilala mo yung nagdodrowing. Pwede kong gayahin ang drowing ng kaklase ko pero kahit anong pilit ko, siguradong mabibisto pa rin ako. Kaya para sa akin, yung “pinoy group style” na binabanggit ni Sir Gerry diyan ay yung style mismo nila Lan Medina (kaanu-ano kaya to ni Pol Medina), Roy Allan Martinez, etc. taken collectively. Well, pananaw ko lang naman yan at mahirap magsalita dahil hindi pa naman ako buhay ng mga panahon na yan.
Then I drew manga.
Just like anyone who’s engrossed with the style, at first, I made comics with Japanese characters as my heroes, with names like Ichigo and Naoko. The more I studied manga, the more engrossed I became with the Japanese culture… I was into the “Japanese culture fad”… I studied katakana, hiragana, and kanji just to make sense of the Japanese manga I bought. I even signed my name in Japanese. I tried Japanese food for the first time. I ate raw fish. I ate takoyaki (which at first I thought tasted much like pre-chewed food… eww.)
Tama si taga-ilog, parang pre-chewed food ang takoyaki! XD Saan kaya siya nakakuha ng Manga nung mga panahon na yan. Laking TV kasi kami at ang mga Anime na naimulat sa amin ay Voltes V, Dragon Ball (walang kamatayan), Slam dunk, Sailor moon, Ghost Fighter, Samurai X, etc. AT NAGTATAGALOG SILANG LAHAT! Masaya ako kasi hindi ako na-engross sa Japanese culture although aaminin kong naadik ako sa Manga Art. Nung nanonood ako ng Anime nung bata ako, napapaisip lang ako ng “aah, ganyan pala sa Japan,” o kaya naman “kung cherry tree ang sakura, diba dapat cherry fruit ang nalalaglag?” (Wag kayong mahahawa sa katangahan ko. Iba ang cherry tree na fruit bearing sa cherry tree na ornamental.)
Manga is a very powerful art style. It does not follow the norms set by American or European comics and has evolved solely on its own. To disregard manga as a possible evolutionary step to your art style just because it is “distinctly Japanese” would be a folly, as you would be denying yourself the opportunity of learning new ways of presenting your comics. Who knows, maybe in time, we may develop a national “group style” akin to manga yet totally different because of the diverse art influences that we have at our disposal. In a sense, we are blessed since we have an assortment of influences that we can choose from in the development of our art.
Hindi porket naka Adidas shoes ka eh less pinoy ka na. Quality ang habol ko kaya bumibili ako ng foreign shoes (may sabi-sabi na sa marikina lang din yan ginawa... eh tinatakan nila ng adidas eh anong magagawa ko?). Okey lang sa akin na lagyan nila ng tatak ang kanilang products. In a way, gusto ko ring ipromote ang products nila... dahil maganda nga eh! Wag lang yung parang billboard sa laki ng tatak (hindi ko naman binibili yung mga ganun). So ang Manga, produktong Hapon. Gagamitin ko siyang medium sa aking art dahil maganda siya para sa akin. At okey lang din sa akin na dahil sa Manga ang drowing ko, napopromote ko ang kagalingan (hindi kultura) ng mga Hapon. At yun nga, gusto ko lang talagang gumawa ng komiks. hehe
Gumawa kayo ng komiks... kung gusto niyo... hehe... kung ayaw niyo okey lang! hehe...
- taga-ilog
*this post is related to THIS post.