17
Wednesday, January 25, 2012
Isa sa dalawang pinakahinahangaan kong propesyon ay ang pagiging guro (Dokotor yung isa). Para kasi silang single mother na daan-daan ang anak. (Wew, ang hirap nun.) Gagawin kong parang highschool - may adviser. At si Miss Lips nga ang sa kanila. Siya na nga yung binabanggit kong bagong character. Kainis, natagalan din akong i-finalize ang hitsura niya =p
Hindi na nga pala ako magpapramis ng updates kada linggo. Depende talaga sa mood ko ang pagdodrowing. Pero palagay ko naman hindi na mauulit yung mga hiatus ko kagaya nung dati na inaabot ng anim na buwan. I-check niyo na lang ang site na ito... every month siguro. Anyway, salamat sa lahat at ingat palagi. hehe
Michael
Hehe pasensiya na. Umulit ang kisses.
Katia
Ei, kumusta na :) Uu naman buhay pa ito. Habang ako ay isip bata, hindi titigil ang kisses comics.
GJ, 秋月 大和
Muli, ako ay nagpapaumanhin. Kayong dalawa ang naiiisip ko pag hindi ako nakakapag-update. haha.
injanjo
Uy kumusta na? Wag mag-alala - babalik at babalik din yung mga dating komiks. :)
*EDIT (January 26, 2012)--------------------------------------------------------------------------
Correction lang: Double "p" pala yung Lipps.
7 Comments:
hahaha na guilty naman ako dun.. ok lang basta may update.. lingo lingo ko talaga to chine-check. pero dahil sabi mo nasa mood lang heheh every month na lang ^___^
nga pala, salamat sa paghanga mo sa mga guro. di ko alam kung alam mo pero isa rin akong guro, yun nga lang, Japanese students na ang tinuturuan ko ngayon, hindi na mga kabataang Pinoy.
Isang katanungan lang.. bakit Miss Lips? sana malaki na lang ang lips nya kagaya ni Angelina Jolie hehehe
wow..isang buwan din nakalipas...
haha...
ahh hahaha Lipps pala! hehehe
ahh teka lang adrian.. yung second row.. ENTERS HERE ang nakalagay, sa third row.. ENTER HERE..
@GJ
Ups, oo nga. haha. Pabayaan ko na lang :) Salamat!
Lipps! Madalang na ako makakita nyan ah. Haha! Yung ginagawang lipstick nung bata pa. Mukhang strict si Ma'am. :)
Ako ay mabuti naman pala. Ikaw?
Salamat sa pagiging consistent mo sa pagddrawing ng komiks na ito. :)
Ingat! :)
bakit sa 4th panel may "S" yung enter tapos sa fifth wala...
Post a Comment
<< Home