49

Saturday, May 18, 2013


<< >>


Nung sinimulan kong gawin itong kisses nung kolehiyo ako, ang hirap dahil sinasabay ko siya sa lahat ng school works.  Asar na asar pa nga ako - kung wala lang sanang mga takdang aralin at mga dapat ipasang pagsusulit abay ang bilis ko sanang mag-update!  Tapos ngayong graduate na ako, may maayos nang trabaho, at wala ng pinoproblemang aral-aral, bigla naman akong tumigil mag-update! (>.<)  Ang gulo ko.

Kaya naman may hatid akong magandang balita.  Bumili na ako ng laptop!  Yeba.  At kahit pangit ang mga reviews at may kamahalan, ito ang binili kong brand dahil isa akong fan.  Naway hindi ako biguin ni Sony.  Puwede na akong magdrowing sa gabi ng buong magdamag!  (Ang sakit sigurado ng ulo ko kinabukasan sa trabaho pag ginawa ko yun.)  Ayan, buena mano itong strip #49.  Medyo nalilito pa ako ng kaunti sa kakaibang keyboard ng laptop.

At may isa pang balita - kakabili ko lang kanina ng Wacom Tablet.  Hindi ko pa nai-install pero binuksan ko na ang box para tignan kung ano ba talaga ang hitsura ng maituturing na "toys for the big nerds" na kontrapsyon na ito.  Sa presentasyon pa lang ng produkto alam mo na agad na hindi basta-basta ang Wacom. Parang nasisilaw nga ako habang binubuksan ko.  haha!  May mga balak din akong non-kisses related artsy-fartsy gamit yan.  Sana matutunan ko siyang gamitin.

And last but not the least, bumili ako nito - Dyaran!
"Trese" ni Budjette Tan at Kajo Baldisimo.  Matagal ko na rin siyang napapansin pag bumibili kami ng pugad baboy at beerkada pero ngayon ko lang naisipang bumili.  hehe.  Ayon sa aking mga nakalap, ito na marahil ang maituturing na numero unong pinoy komiks sa pangkasalukuyan.  Astig pa ng drowing (^.^)



3/21/2013 1:15 AM, Anonymous Anonymous
Counter Strike nga ang pinagbasehan ko. hehe. Yung term na "owning" ay sa Dota.

Anonymous GJ
Akala ko nawala ka na. Hehe. First-person shooting game ang nilalaro niya.

3 Comments:

At 5/26/2013 2:41 PM, Anonymous 霧島はる said...

Waahhhhh/!!!!! Bitin ang mga updates!! Tsk tsk...

Ang saya. Ngayon lang uli ako nakadalaw sa kisses T^T


Nakakatuwa po to. Pagpatuloy niyo po ^^

At ngayong June 6 nga eh papasok na ako sa kolehiyo, di ko po makakalimutang dalawin ang kisses comics!!! :)))

More power at congrats kuya sa mukha namng stable mong buhay ngayon. haha ^^


..Naalala nyo pa bako? -_-

 
At 7/01/2013 10:18 PM, Anonymous Anonymous said...

Yehey! Updates! Keep up the good work, po! Palagi ko pong chine-check itong kisses for new updates, and *dandarandan* meron na! Yes!

 
At 6/05/2014 11:38 PM, Anonymous HaponNaDatingTambayTodits said...

Bakit? Ha ha. Bakit isang taon na at wala pa ring bago? Ha ha ha ha punyemas. 2nd year college na nga pala ako sa pasukan. Naks. Naging parte din ng nakaraang tatlong/apat na taon ko ang Kisses Comics. Keep up the good work po!

 

Post a Comment

<< Home