18

Monday, February 06, 2012

<< >>

Sinabi ito ng isa kong naging titser. Sorry po, ma'am/sir - hindi ko na po maalala kung sino sa inyo. haha.


Medyo madalang update ko. Busy ako sa ibang proyekto. hehe.


GJ
Pero galing yan sa lumang kisses. haha. I-explain ko na lang din yung numero sa ibabaw ng mga strips:Yung alpha number yung lumang strip number. Ibig sabihin lumang strip siya na maaaring inedit ko ng kaunti o wala akong inedit. Kung walang alpha number, bagong strip siya :)
+ S H O W / H I D E - Alpha #213 +

Nakalimutan mo na siguro. haha :) Anyway, okey na rin yun dahil bumenta uli. hehe.

Waw, isa ka palang titser! Mga hapon pa ang tinuturuan mo? ASTIG! haha. Kumusta naman? Masaya ba o mahirap?

秋月 大和
Uu nga eh. haha. Pasensiya ulit.

Katia
Uu, lipps. hehe. Masaya naman ako at mabuti. :) Medyo hindi nga ako consistent sa pag-update. hehe. Ingat din :)

17

Wednesday, January 25, 2012





Isa sa dalawang pinakahinahangaan kong propesyon ay ang pagiging guro (Dokotor yung isa). Para kasi silang single mother na daan-daan ang anak. (Wew, ang hirap nun.) Gagawin kong parang highschool - may adviser. At si Miss Lips nga ang sa kanila. Siya na nga yung binabanggit kong bagong character. Kainis, natagalan din akong i-finalize ang hitsura niya =p

Hindi na nga pala ako magpapramis ng updates kada linggo. Depende talaga sa mood ko ang pagdodrowing. Pero palagay ko naman hindi na mauulit yung mga hiatus ko kagaya nung dati na inaabot ng anim na buwan. I-check niyo na lang ang site na ito... every month siguro. Anyway, salamat sa lahat at ingat palagi. hehe


Michael
Hehe pasensiya na. Umulit ang kisses.

Katia
Ei, kumusta na :) Uu naman buhay pa ito. Habang ako ay isip bata, hindi titigil ang kisses comics.

GJ, 秋月 大和
Muli, ako ay nagpapaumanhin. Kayong dalawa ang naiiisip ko pag hindi ako nakakapag-update. haha.

injanjo
Uy kumusta na? Wag mag-alala - babalik at babalik din yung mga dating komiks. :)


*EDIT (January 26, 2012)--------------------------------------------------------------------------

Correction lang: Double "p" pala yung Lipps.
Lipps Candy

16


special thanks to mikas


Impeyrnes kay kisses, gumanda siya ngayon... well, at least para sa aking paningin. haha. Salamat muli kay 秋月 大和.

Narinig ko na rin ang joke na 'to sa isang estasyon ng radyo. Okey din gumamit ng mga "tradisyonal" na jokes dahil nasubukan na ng panahon kaya kadalasan nakakatawa - malakas ang hatak pag unang beses narinig. Ang consequence lamang ay kung narinig na ng tao, korni na. Gaya nung Isang beer joke. Una kong nabasa sa pugad baboy, pangalawa sa beerkada. Kaya ayun - hindi pala nagbabasa ng pugad baboy si Sir Lyndon. hehe.

15

Sunday, December 25, 2011



May pasok pa ako bukas kaya isa na lang mabilis na Maligayang Pasko sa inyong lahat!!! Mukhang every other weekend na ang update ko =p Hindi ko na rin masyadong binago ang hitsura ni pompoms.


秋月 大和
Salamat :)

GJ
Wala naman. Basta nag-isip lang ako ng mahabang buhok na babagay sa kanya :)

mariL86
:)

tannix
Mukhang kailangan ko ngang ayusin yan haha. Salamin yan. Napansin ko rin tuloy sa 12 na nalimutan kong idworing yung salamin niya sa panel 4. haha. Subukan kong ayusin sa mga susunod na strip. Salamat :)

14