Yema, Manga Studio 5.0.2 FREEBIES!

Saturday, August 10, 2013

Na-update ko na rin sa version 5.0.2 ang MS5 at ang gaganda ng mga bagong fetures! Hindi ko na babanggitin kung anu-ano ang bago (What's new in Manga Studio 5.0.2 by hecartha) pero ipapakita ko yung 1.8 GB na astig na mga samples.

SAMPLE 1:
Kasama na rin yata 'to sa samples ng lumang version. Ito yung drowing sa promotional video. Draft yung nasa kanan. Ito rin ang dahilan kung bakit ako napabili ng MS5. haha!
SAMPLE 2:
Kyut (^.^) Gusto ko rin ang ganitong style ng pagkulay.
SAMPLE 3:
Sa ngayon, dito sa mga monotone ako interesado. Pag-aaralan ko ang mga teknik nila.
SAMPLE 4:
Mag-irog. Parte nga lang pala ang pinapakita ko pero yung mga samples 3-9 ay isa hanggang dalawang pahina ng komiks. Kras nung babae yung lalake dito. haha.
SAMPLE 5:
Fairy yung nasa kaliwa. Yung nasa kanan, yan yung bidang lalake. Minadyik siya nung fairy para maging babae. (>.<) Ano pa nga ba ang ine-expect mo sa japanese komiks. Naalala ko Ranma 1/2.
SAMPLE 6:
Kabayo.
SAMPLE 7:
Astig ang isang ito. 333 MB ang file na 'to, grabe. Ang ganda.
SAMPLE 8:
Nahirapan ang laptop ko sa samples 7-9, pero itong 8 ang pinaka. 378 MB 'to. At waw, ang ganda.
SAMPLE 9:
Napa-wow na ako sa lahat ng nasa taas pero itong 9 ang pinaka lumaki ang mata ko. Ang dahilan: itong si boob lady. haha! Kung gusto mo talagang makuha ang atensyon ng mga lalake, boobs lang ang sagot. Ang tindi ng aksyon dito pero ang dahilan lang kung bakit galit si boob lady ay kinuha ng kuya niya ang kanyang "snacks."
Nakakainggit. Sana magaling din akong magdrowing. haha! (>_<)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home