Yupi 600dpi, Manga Studio 5 EX

Thursday, July 25, 2013


Ang kyut ni yupi... parang batang paslit. (>_<)


Good news para sa akin - Available na ang "Pro" version ng Manga Studio 5! Na-excite ako. haha. Curious kasi ako kung ano pa ba ang idadagdag nila sa debut version eh nalulunod na nga ako sa dami ng features. At isa pang good news - kasabay ng pag-release nila ng EX, may update ang debut:

Yung technical updates - 367 MB lang (Backwards compatibility, Improved text tool, etc.). Pero yung pinagsamang Material at Sample Data - 1.783 GB??? ANG DAMING FREEBIES! Sana magaganda. hehe. At sana inayos nila yung tone gradient.

Kinumpara ko na rin yung Debut at EX version - parang hindi sulit yung EX. ₱13,000 yung EX (grabe ang mahal) tapos ₱3,465 yung Debut. Eh sa nakikita ko ang matinding pinagkaiba lang nila ay supported ng EX yung multiple paging. Eh di i-compile mo na lang sa isang folder yung mga picture files. Ganun lang din naman yun.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home