chippy ulit, hugs, yanyan

Sunday, November 24, 2013

Ang tagal ko nanamang hindi nag-update! Isa talaga akong certified tamad. hehe. Minarathon ko ang Yakitate Japan, Lucky Star, Cooking Master Boy at Azumanga Daioh! Balak ko pa ngang ulitin din ang Hajime No Ippo pero saka na lang. Kailangan ko ng mag-update. hehe.

CHIPPY, HUGS, YANYAN
Ang tagal ko ng dinrowing to. Bago pa ako nito mag-hiatus. Sa pagkakaalala ko, kaya ko dinrowing muli si chippy ay para gawing full black ang kanyang buhok. Mas okey sa tingin ko. Ang tagal ko na ring hindi nahawakan yung bamboo tablet ko. Sana hindi pa naglaho ang mga natutunan ko. hehe.

BAGONG TITULO NG KOMIKS!
Napagdesisyunan ko isang araw habang nakasakay ako sa LRT (talagang binanggit pa yung LRT) na ibahin ang pangalan ng komiks. Ang dahilan - ayaw ko ng ilagay sa spotlight si kisses. Ang gusto kong kalabasan sana ay kagaya ng Azumanga Daioh - walang isang partikular na bida. At dahil nga diyan, nag-isip na ako ng mga pwedeng gawing title: may tunog astig, may tunog jologs, may tunog wholesome, may tunog emo, may tunog malalim, may tunog kontrobersyal, may tung korni, may tunog ewan, may tunog na parang wala lang... at ang napili ko - yung tunog wholesome. Parang kisses na pag narinig mo eh pure at safe... actually mas wholesome pa nga sa kisses dahil ang kiss - halik, parang may pagkabastos din hehe. Sikret na muna kung ano yung napili kong title. Malalaman niyo na lang pag nasimulan ko na ulit ang komiks.


kaching!
Salamat. Natuwa ako dun sa sinabi mong dumaan man ang tatlo o limang taon eh aabangan mo pa rin to. Marami na rin fans ang kisses na nawala na dahil nga sa dalang kong mag-update. At masyado na ngang mahaba yung tatlong taon para lang sa revision, pano pa yung lima. haha! Sigurado ako, pag umabot ang isang taon at hindi ko pa rin nasisimulan ang kisses version 3, isa lang ang ibig sabihin nun - patay na ako. hehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home