ANNOUNCEMENT! Kisses Gamma starts 2014!

Saturday, January 18, 2014

Syempre matapang akong sabihin na magsisimula na ngayong 2014... abay kakasimula lang ng taon eh. hehe. Ilan nga ba? May humigit kumulang 350 days pa ako. Yeba.

Manga Studio 5.0.3 Update!
Ni hindi ko lang man nakalikot yung 5.0.2 update. haha! Palagay ko wala na akong ibang mahihiling pa sa update na ito. Okey din na pinalitan nila yung kulay ng logo from orchid to blue gray. Hindi ako masyadong fan ng orchid dahil kakulay niya yung mga gamot ko nung bata ako na hindi masarap.
Smith Micro - Celsys / Manga Studio - Clip Studio ISSUE
Tingin ko ine-emulate ng Celsys ang narating ng Systemax sa Paint Tool SAI. Hindi sila humingi ng tulong mula sa isang english speaking company pero sikat pa rin ang kanilang produkto sa labas ng Japan. Pagdating ng panahon hindi ako magtataka kung mawawalan na ng support at updates ang Manga Studio. Buti na lang masaya na ako sa 5.0.3 update. haha! Kung bibili kayo ng Manga Studio, mukhang mas praktikal na Clip Studio na lang ang bilhin niyo. Medyo sakit sa ulo nga lang ang engrish ng Celsys sa kanilang website.

Babayu Vector
Dahil lapis (mongol at mech pen 0.5) lang naman ang weapon of choice ko sa aking buong drowing career (pag doodle sa likod ng notebook), tingin ko mas okey na bumalik na lang ako sa aking nakasanayan. Wala naman akong alam sa mga brush na ginagamit ng mga propesyonal. Yung tipong pag iniba mo ang anggulo eh kumakapal o numinipis. Pag gusto kong kumapal, papasadahan ko ng maraming beses! haha! So balik raster ako. Kawawa ang kompyuter ko kung vector ang gagamitin ko para sa style kong madumi.

Sinubukan ko nga pala yung bagong feature na raster to vector kay kisses tapos pinagpatong ko yung dalawang version. Parang mas gusto ko ang kinalabasan nito. At yan na nga rin ang dahilan kung bakit goodbye vector na rin ako.
Character Status
Legend: Character - Percent done (rough estimate)
Kisses - 99%
Chippy - 100%
Yanyan - 100%
Yema - 100%
Hugs - 85%
Chiclets - 100%
Lala - 100%
Yupi - 75%
Pompoms - 25%
Sid - 0%
Miss Carioca - 100%
New Character - 25%
Sisiguraduhin ko munang alam ko na ang kada characters bago ko simulan ang komiks. Lahat sila gusto ko may unique contribution... dahil ang ekstra status ay naka-reserve na sa mga kalbong panot. haha. Si Pompoms ay nanganganib mawala. Si Sid naman ay sigurado akong ded na. Baka ang mangyari nga ay ang pampalit sa kanilang dalawa ay yung bagong character na pinag-iisipan ko pa rin. Si Yema nga pala, although sigurado na ako sa character niya, demoted siya to supporting character. So si Yema at Miss Carioca ay mga supporting characters. Kisses, Chiclets, Lala at Yupi - apat na mga pangunahing babae; Chippy, Yanyan, Hugs at New Character - apat na mga pangunahing lalake. Kahit nung Kisses Alpha pa lang, gusto kong balanse ang bilang ng lalake at babae. hehe.

Goodbye Tones
Baka manatili na lang ako sa strictly black ang white. Hindi naman ako magaling sa shading. Yun at may nakalaan ng pwesto sa aking puso ang black and white art dahil nga isa akong malaking fan ng comic strips. Kelan ko lang naman nadiskubre ang manga at parang sumasakit pa nga ang ulo ko sa tones.

School Uniform
Para makapag-drowing muli, gagawin ko muna ang pagpili ng kanilang uniform (since hindi pa naman final ang mga natitirang characters). Palagay ko titingin na lang ako sa internet ng mga uniform ng iba't-ibang universities/colleges at mamili na lang dun dahil noob ako sa fashion. So abangan ang kanilang bagong uniform. Hanggang sa muli mga kids! XD

0 Comments:

Post a Comment

<< Home