Uniform

Saturday, January 25, 2014


Magsintangkad sila... so malamang ibig sabihin mali ang pagkakaproportion ko. haha! Hindi rin ako marunong magdrowing ng sapatos kaya pinatungan ko na lang ng sandamakmak na itim.

Gusto ko sanang maghanap ng iba't-ibang uniform mula sa iba't-ibang universities/colleges pero nagkataon na ang mga unifrom lang na conveniently nakakalat sa internet ay yung sa UST. Basically, UST uniforms lang ang pinagbasehan ko. Ang napili ko ay yung sa accountancy. Inedit ko lang konti pero nandyan pa rin yung trademark "mercury drug" red strips (na naging itim dahil black and white). At dahil strictly black and white na nga ang balak ko sa komiks, ginawa ko na ring black ang skirt. Tapos ang balak ko si Lala at si Chiclets ay naka skirt tapos sila Kisses at Yupi at naka pantalon.

Sa character development naman, ikinagagalak kong sabihin na si Yupi ay 99% na.

Marami-rami din akong na-encounter na problema habang ginagawa ko yang uniform kaya sa ngayon ang balak ko ay mag-experiment muna. Paglalaruan ko muna ang Manga Studio. At bumalik na nga rin pala ako sa paggamit ng vector. hehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home