600dpi Resolution and Vectors

Sunday, July 21, 2013

mojacko
Nabigla nga siguro sila nung nawala ang Pugad Baboy. hehe. Pero marami pa namang komiks sa inquirer ah.

laiza fe Lugo
Salamat. =) Naalala nga kita. Nag-comment ka rin minsan... medyo matagal na rin. hehe. Bwena mano ka sa circles ng google plus ko! ...although hindi ko maintindihan kung ano ang google plus. Goodbye kisses na. hehe. Medyo nasasanay na rin ako sa mayumi.


UPDATES:
Nung sinubukan kong magdrowing sa 600dpi, may natuklasan ako - tila masmadali magdrowing sa 72dpi. Bakit kaya? Ewan. Siguro dahil masmaraming pixels kaya masmalaki din ang margin of error. Kung pwede lang sanang magdrowing sa 72dpi tapos i-stretch siya hanggang maging 600dpi ng hindi nababawasan ang quality. Yep, actually pwede - "Vector." (Yung kalaban sa Despicable Me. XD) Na-introduce na ako dati sa vector nung kinukumpara ko yung "debut" at "EX/Pro" version ng Manga Studio 4 pero natabangan ako. Para kasing napaka-technical at artificial niya. Ang lahat ng linyang isusulat mo ay represented ng mathematical expression. Waw, hindi ko ma-grasp. At dahil dun, may matindi siyang advantage - infinite zoom/scaling. Sinubukan ko na rin. Nagdrowing ako sa 72dpi gamit ang vector. Tapos, nilipat ko na siya sa 600dpi canvas. Pag-stretch ko, ang pangit ng kinalabasan. Hindi nga nabawasan yung quality pero sumobra naman sa kapal yung mga linya! Binuksan ko yung MS5 Manual at ginamit ang search tool ng Adobe Reader. Grabe, 687 pages yun at tumataginting na 238 MB. Sino kayang adik ang magbabasa ng manual na may anim-na-raan, walumpu't pitong pahina? At natagpuan ko ang hinahanap ko - pwede mong palitan ang thickness ng vector lines! Solb ang problema ko. haha. At heto nga ako habang pinaglalaruan ang thickness ng vector lines:
Bigla na lang akong naging fan ng vector. haha. At sinubukan ko na nga rin pala yung tones sa buhok, pero hindi ko malaman kung paano gawin yung monotone na tone gradation. Pinaulit-ulit ko ng panoorin yung vector tutorial, sinearch ko yung manual, wala. Sa EX4 isang click mo lang may maayos ka ng tone gradation. Dito sa MS5, kakaiba. Palagay ko iiwas na lang din ako sa tone gradation. Yun at mas trip ko ang full black na buhok. Tatapusin ko munang i-convert sa 600dpi ang mga hitsura nila bago pag-experimentuhan ang tones.

At gumawa na rin ako ng isa pang blog - mayumikomiks.blogspot.com

"mayumiKomiKs" at "mayumiComiCs" ang dalawang site. Yung "K" para sa filipino at yung "C" para sa english. (parang Pilipinas - Filipinas lang. haha) Hindi ko na hahayaang maiwan yung english sa tagalog. Pagtapos ng isa, translate agad para hindi tamarin. hehe.


ON OTHER NEWS:
Alinsunod sa nangyari kay Carlo J. Caparas, nag-research ako ng kaunti. Sa aking mga nakalap, may at least limang pinakatinitingalang kartunista sa ating bansa. Sina Tony Velasquez, Mars Ravelo, Larry Alcala, Francisco Coching at si Carlo Caparas (lintek, nasan si Pol Medina?). Lahat sila ay napangaralan na ng Presidential Medal of Merit at kung hindi ako nagkakamali, ang ilan sa kanila ay ilang beses na ring na-nominate bilang kasapi sa mga maaaring tumanggap ng pinakamataas na parangal sa sining - Ang National Artist Award. Isa pa lang ang nakatanggap ngunit kontrobersyal ang pagkakaputong. At ayan na nga, binawi na ng Korte Suprema.

Nakakahiya mang sabihin, isa lang ang kilala ko sa kanila - Si Sir Larry Alcala. Naabutan ko yung "Slice of Life" niya sa Philippine Star (na may ala-hidden mickey game). Tapos nung grade school ako, mayroon kaming Magazine (Pambata Magazine) na ang nasa likod ay ang komiks niya na "Ang Mga Salawikain ni Lolo Brigido." Yun ang paborito kong parte nung magazine. hehe. May dalawang issue nun na tumatak sa isipan ko. Yung isa may kinalaman sa pamimintas at yung isa naman ay ang pagtatapon ng basura sa maling lugar. Totoong Calvin & Hobbes ang tuluyang nagmulat sa akin sa ganda ng komiks pero maaaring si Lolo Brigido ang unang kumalabit sa akin. Ay bigla kong naalala - pinagtatalunan pa namin dati kung paano ba basahin yung "Brigido." hehe. "Brihido" yata ang basa ko. Although pwede mong i-argue na hindi orihinal na Larry Alcala yung mga ideya, (mga salawikaing masmatanda pa kay Larry Alcala ang gamit at si Lolo Brigido ang personification) siya pa rin ang gumawa ng script at nagdrowing upang maisa-komiks ang mga salawikain. Yep, malaki rin ang respeto ko sa kanya. Larry Alcala for National Artist! hehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home