166

Wednesday, June 04, 2008

Nabasa ko yung article na "The Filipino Comic Artist and Manga" ni Sir Gerry Alanguilan (isang batikang filipino comic book writer and artist) at nalaman kong... andami ko palang hindi alam sa komiks. haha. At dahil manga inspired din ang kisses, siyempre tinamaan ako dun sa line na

"As a Filipino artist, would you want the history books to say that your work follows the Japanese way of drawing? Or equally still, be known in history as someone with no personal identity?"

Ugh dedz ako haha.


Ang dami palang style ng pag do-drowing. Kasi kung ako ang tatanungin, tatlo lang ang maibibigay ko - cartoon (pugad baboy, mickey mouse, spongebob), realistic (superman, spiderman), at manga(my neighbor totoro, naruto). Nung kabataan ko, na-expose naman ako sa lahat ng klase ng drowing na yan... pero sa manga ako na-inlab, tas sunod sa cartoon... at ayaw ko sa realistic =p Hindi ko sinasabing pangit ang realistic - yan nga yata ang pinaka successful na comics sa buong history at hinahangaan ko ang super detalyado nilang drowing - hindi ko lang talaga siya natipuhan (take note: drowing style ang binabanggit ko dito at hindi yung mga storya).

Ang unang pumapasok sa isip ko pag comics eh pagpapatawa. Ang mga marvel/DC para sa akin eh more of a magazine imbis na comics. Kaya nga kung magbabanggit ako ng pangalan, si Pol Medina at Larry Alcala ang mga kilala ko (haha ang konti ng kilala ko). At kung inspiration lang din ang pag-uusapan, numero uno na ang Calvin and Hobbes ni Bill Watterson. (na nagmulat sa akin kung gaano talaga kalakas ang kapangyarihan ng comics... aaa anlalim)

Ang mga "styles" na ito ay medium lang para sa akin. At nagkataon lang na hapon lang ang nakaimbento ng manga style. Kasi ang realistic kinopya lang naman sa eksaktong hitsura ng mga tao... ang cartoon naman eh deformed na drowing. Ang manga style, hindi ko alam... basta hapon ang nakaimbento niyan. Kaya salamat sa mga hapon. =p

Siguro nga nabawasan na ang pinoy identity ng kisses dahil manga style ang drowing ko... pero dito kasi ako masaya. Anyhow, pag tinitignan ko ang pagkakadrowing ko sa kisses, para siyang frustrated manga... so hindi talaga exactly manga. haha. Ah ewan, basta gusto kong magdrowing. yun lang yun. =p Ge, mabuhay ang mga hapon haha! Nihonggo ga dekimasen!


The Philippine Comics Art Museum - astig to ^^ Eto lang yata ang kaisa-isang nabubuhay na archive ng filipino comics. Si Sir Gerry ang nangangalaga ng site na yan.


* This post is related to THIS post ^^

3 Comments:

At 6/05/2008 2:50 AM, Anonymous Anonymous said...

Hi Adrian! Di ka yata nagpunta sa mangaholix event last sat! sayang!
Ok lang yan! magdrowing ka lang nag mag drowing! walang kaso kung anong style ang gusto mo.. pero pansin ko nga puro manga style ang mga indies dun sa convention!!!
-Hazel Chua

 
At 6/06/2008 10:45 PM, Blogger zeus-zord said...

huwaw

nag research pa

wakekeke

ikaw ha

 
At 4/12/2009 2:18 AM, Blogger Tom & Injo said...

Para sa'kin ayos lang na non-Local yung style ng drawing mo. Eventually, sa dami ng influences, mag-i-evolve yung mga drawing mo into a style na something original.

Parang si Osamu Tezuka, creator ng Astroboy & Blue Blink, influenced s'ya ng Western style ng comics, pero xa ang tinaguriang Father of Manga.

Wow ang lalim...

Original naman style mo.

Eto yung side nung idol namin...
Tagailog of Culture Crash

 

Post a Comment

<< Home