296
Tuesday, April 21, 2009
forwarded text joke by dimple
Siguro okey din kung ilabas ko number ko dito para makahingi ako ng mga forwarded jokes mismo sa inyong mga readers. Masbabalik pa kayo sa pagbabasa kasi aabangan niyong lumabas ang joke niyo. Kaya lang baka magalit yung iba pag di ko napili ang kanila haha wag na lang.
LRT 1 SERIES
May isa pa akong ginagawang strip kaya lang hindi ko na tinapos (90% finished na yun! Isa nanamang strip na mapupunta sa Untold Stories Compilation) ng malaman kong hindi na pala siya applicable ngayon! Matanda na talaga ako haha. Burado na yung "door mark" sa sahig ng LRT 1 waiting platform na nag-iindicate kung saan DAPAT tatapat ang pinto ng tren. Kung magka-henerasyon tayo, alam niyong sinungaling ang door mark na yun haha. (dapat yata window mark ang tawag ko dun dahil sa bintana ng tren yun tumatapat). At may isa pa akong naaalala nung token pa ang ginagamit- sa tapat mismo ng estasyon pumupwesto yung mga underground vendors ng token haha. Hindi naman hinuhuli ng LRT management. Ang weird =p
gj
Waw tenks. =).
siomai
Ako rin hindi na nagpapaupo pag pagod eh haha =p Pero pag kaya ko pa hindi na ako umuupo. Ayokong mamili ng pauupuin at baka magalit yung ibang hindi ko pinaupo XD
Ewan ko ba pero parang natatakot akong makaharap si Kuya Lyndon =p Nagbabalak din naman kaming pumunta... pero malamang parang sightseeing lang gagawin namin. =p
eloiski
Ei, ka-USTe! hehe Welcome sa kissescomics at salamat sa pagpaparamdam =)
mary
Waw inagahan ang pasok - ganyan ang usual na gagawin ng taong may disiplina sa sarili. Teka... diba ikaw yung isa sa mga madalas ma-late dati sa school? haha jok lang. First time kong maranasan yan nung highschool pa yata ako at tama ka - Nakaka-trauma nga! XD
Kung marami lang din ngang dala usually iniiwasan ang LRT/MRT... weird siya hehe.
ivy
Saan ba yang Jollibee na yan at kakain ako diyan hehehe. Ei, yung tungkol nga pala sa fanart. Pwede bang i-resend mo uli. Tas gawin mo kissescomics@yahoo.com.ph. Gusto ko pa rin talagang makita. Sayang naman eh nagawa mo na. Salamat =)
4 Comments:
na promote ko minsan etong site mo sa forums ng beerkada. try mo, I believe na mag hi2t itong kisses. If i find out the sched for the next Komicon, sabihan ko agad utol mo.
eto pala site ng komikon. jejeje. http://komikon.blogspot.com/
Wow, bigtime, magko-komikon na, hahaha. May 16, 2009 ang 'summer' komikon. saturday, UP bahay ng alumni
omaygudness, token? ahahaha, sosme, token! hindi ko na naabutan yon!
Post a Comment
<< Home