Top 8 Kainis Anime Characters
Thursday, November 30, 2006
medyo mahaba din ang post na to =p para lang po ito sa mga anime fanatics
8 - asumi (mirmo de pon), haruno sakura & inu (naruto)Tatlo lang ang naisip ko pero ang 8th slot ay reserved pra sa lahat ng mga anime girls & guys na inaangkin ang kras. Okey lang nmn ang maging obsessed pero ung tipong aawayin mo pa ung karibal mo? Igz, wag nmn. Ndi nmn tlga aku inis sa kanila dhil mababait nmn tlga sila.
7 - kenshin himuraSi kenshin ay ang perpektong bida sa favorite anime kong rurouni kenshin/samurai x. Mabait, akting bopols (pero magaling nmn tlga) at astig sa paggamit ng samurai, ang kagila-gilalas na manlalakbay na ito ay tila wlang pakelam sa babaeng nagmamahal sa kanya. Si kaoru lang ang naglalambing tas prang wla lang kay kenshin... Nung isang episode na may nagkagusto kay kaoru, ndi lang man siya nagselos kahit kaunti lang! Ayan, napunta ka tuloy sa 7th spot. haha =p Although palagay ko sa anime lang tlga siya gnyan kasi ibang-iba ugali niya sa ova.
6 - son gokuDragon Ball. Medyo bopols minsan pero kakainis dhil parating umaayon sa kanya ang swerte. Mabait nmn siya kaso nainis aku nung pakasalan niya si chi-chi dhil akla niya pagkain ang "kasal!" 0_o At mukhang masmahalaga pa sa kanya ang pakikipag-away kesa sa pamilya niya. Mahal niya ba talaga si chi-chi?
5 - nobitaSiya ung lalakeng bida sa Doraemon. Ganito parati ang script nila: doraemon: "Wag mong kakainin tong alien hopia ha, kundi malalagas ang buhok mo." nobita: "Sige, ndi ko kakainin yan." *umalis si doraemon. after 10 seconds...* nobita: "DORAEMON! TULUNGAN MO AKO! NALAGAS ANG BUHOK KO DAHIL KINAIN KO UNG ALIEN HOPIA!" hahaha Pero wla rin kasing storya kung ndi pasaway si nobita.
4 - asuka langleyMula siya sa sikat na anime na Evangelion. Si asuka ay ang typical maganda-mataray-mayabang package na anime girl. May isang episode where in humiling siya ng halik kay shinji. Ambagal ni shinji kaya naman siya na ang nag-initiate ng kiss. After nilang mag-kiss, takbo siya agad sa lababo. Habang nagsisiplyo siya, pasigaw pa niyang sinasabi: "KADIRI! HINDING-HINDI NA AKO HAHALIK SAYO! EEEWW!!"
3 - shinji ikariOh, nagpahalik ka naman!? Napunta ka tuloy sa number 3. Bukod diyan, anlaki din kasi ng problema ng batang ito. Kasing wirdo niya ung palabas. Onti lang din nmn ang friends ko pero okey pa nmn meh. Dapat kasi magka-hobby ka or something pra ndi ka masyadong nag-iisip ng kung anu-anong kawirduhan. Wag mong pansinin si asuka... kung naghahanap ka ng kasama, si rei ang kausapin mo. Mabuti na ung may kausap kang tulala kesa nmn kausapin mo ung si taray. Tas pag talagang na-bore ka, kilitiin mo si rei! Korni nga lang kung wla pla siyang kiliti. O kya naman maglagay ka ng pine cone sa silya ng tatay mo. Pag naupuan un ng tatay mo, aynako, sasamahan pa kita sa pagtawa.
2 - miss minchinAng mukhang perang teacher sa mala-pinoy-soap-operang anime: Princess Sarah. Sa umpisa, super-duper-ultra-mega BAIT niya kay sarah. Yaman ng itay eh. Pero nung namatay ung dad tas naging orphan na lng si sarah, super-duper-ultra-mega SAMA na niya kay sarah! Isipin mo na lang, kaka-receive mo lang ng news na namatay ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo tas pagagalitan ka pa ng buset na mukhang pera? Pero sa huli, nalaman nilang mayaman pa pla si sarah! Tas ayan na naman si miss minchin... akala mo kung sinong anghel na napakabait... buset =p haha

1 - gendo ikari
Ang dadi ni shinji. Parati siyang nakaganyan (see picture). Masama, walang pakelam, mayabang... nasa kanya na yata ang lahat ng pangit na ugali. Anyway, I congratulate gendo ikari for being the most kainis anime character ever. Ang evangelion na siguro ang pinaka hindi ko nagustuhang anime. Palagay ko ndi nakadama ng pagmamahal ang creator neto. Anyway, sumikat siya ng todo. Marami siguro ang naka-relate dhil marami ang masklap ang buhay. Hmm... ano kya ang mangyayari pag napasok sa evangelion si barney? hahahaha Tas dapat indestructible din siya! Tas isayaw niya si gendo habang kumakanta ng "i love you, you love me" song! haha (buset wla na tong patutunguhan =p)










