KISSES comics is going BETA

Sunday, September 25, 2011

Yeh... bali, matindi ang post na to.

Binasa ko uli mula umpisa ang kisses at ang masasabi ko - pangit. Hindi ko alam kung bakit pero tila puno ng "angst" ang mga lumang strips. Siguro nung mga panahon na yun may "angst" ako dahil naghihingalo akong gumradweyt haha.

Nung panahon ng friendster, gaya ng karamihan, naadik ako sa blog. Tapos naisip kong mahilig nga pala akong mag-drowing! At isinilang ang kisses comics. Apat na panels at apat na characters. Blog na ginawang komiks. Pero paglipas ng ilang strips, parang nag-sa-suffer ang mga characters dahil kakaunti lang sila at kakaunti lang ang panels. Parang pilit kong pinagsasama-sama ang mga iba't-ibang ugali sa kakaunting characters at waw... ngayong nakita ko uli, isa yung matinding kapalpakan.

Kung dumaan kayo sa "other works" ko, nabanggit ko dun yung extinct. Binasa ko uli siya kailan lang at tawa ako ng tawa na para bang naging bata uli ako (yeh matanda na ako haha). At nakumpara ko ang dalawa kong komiks at tignan mo nga naman - mas maganda pa yung gawa ko nung bata pa ako.

Ngayon, may trabaho na ako; wala na akong school works na poproblemahin; at generally masaya na ako. Yeh, wala na akong angst haha. Kaya heto na sa seryosong part -

Uulitin ko ang kisses.

Ang ibang strips ay mare-retain, ang iba i-e-edit, and iba buburahin. Hindi naman talaga mabubura habang buhay dahil nasa akin pa rin ang lahat ng hard at soft copies. Parang imo-move lang sila sa kisses vault - pero hindi ko na sila iko-consider as canon. At ang mga matitira ay eventually kokonek din sa mga bagong posts. At eventually uli, matatapos ko na rin ang ms. perfect vs mr. perfect series haha. Actually excited na rin akong tapusin ang series na 'to pero hindi talaga ako mapalagay nung nabasa ko uli ang kisses mula umpisa. Baka nga may mga bagong readers na nai-intimidate sa mga luma kong strips.

Kung inyo nga palang papansinin, simula #359, lumaki ang strip. Publish ready size na yan haha. Kumuha ako ng pugay baboy at beerkada, kumuha ako ng ruler at kinuha ko ang aspect ratio :P Masaya din ako dahil sa paglaki ng strip, dumami din ang panels. Mas comportable ako sa maraming panels :)

Siduradong matatagalan din ito pero palagay ko worth it naman. Tuloy pa rin ang kisses kaya sana bumalik pa rin kayong mga loyal readers :) Weekly pa rin akong mag-uupdate.

Kisses is officially in Beta. Kitakits. I-consider niyo na rin siguro na special kayo dahil nabasa niyo yung lumang kisses at unti-unti na silang mawawala! hahahaha! (evil laugh)



GJ
Apparently, nagwapuhan yung mga babaeng kalbong panot kay 24 haha.

Michael
Naging pogi umano :P

秋月 大和
Ei, welcome po sa kisses comics :) Pagpasok ko sa blogger, nakita kong nadagdagan ng isa yung followers ko - hapon pangalan. Akala ko spam, muntik ko ng burahin! haha. Marami kasi akong natatanggap na spam na hapon ang pangalan. Salamat sa mga comments. Sobra yung alamat pero syempre masaya pa rin ako haha. Para sa akin ang mga alamat ay sina Larry Alcala at Pol Medina. Pinakanatuwa ako sa comment mo sa 354 - Natumbok mo ang ugali ni yupi. haha. Panalo. Nasagot mo yung tanong ni siomai :)

Jinn
:)

blitzki
Ah oo nga! Sakae Sushi!

7 Comments:

At 9/26/2011 2:53 PM, Anonymous GJ said...

Wow! hihintayin namin yang kisses beta.
ganyan talaga pag tumatanda, mas nalalaman mo kung ano dapat ang iimprove sa mga magandang nagawa na mo nuon. :) growing old means getting wiser. keep it up adrian, good luck!
ganbatte ne! ^_^

 
At 9/26/2011 6:55 PM, Blogger 秋月 大和 said...

haha...thanks po sa mention...nung binabasa ko to...naiimajin ko...sana mamention din ako..Lol..thanks po sa welcOme..keep on rocking Kuya!!!ingat sa Job mo...grrR....5 or more years pa ako bago makagraduate....cguro naman..maganda ung Kisses Beta...i'll be waiting calmlY...lol..plinug ko na tong blog na to sa mga kaklase ko..haha natuwa sila sa Kalbong Panot...

 
At 10/01/2011 12:10 PM, Anonymous Paola said...

yun lang. :))) kakapromote ko lang ng kissescomics sa bf ko... di na niya natapos ung pagbabasa :)))

 
At 10/01/2011 4:14 PM, Anonymous Anonymous said...

Wala akong naintindihan sa Beta-Beta-shit na iyon, pero sa ikagaganda lang ng Kisses, all the way ako! Hindi all-the-way hubad ah, moral support lang. :D

 
At 10/02/2011 10:33 AM, Blogger 秋月 大和 said...

kala ko ba sunday ung mga updates???LOl.....sori aporado lng....haha

 
At 10/18/2011 9:58 PM, Blogger ninong said...

oi adrian(? tama ba), naalala mo pa ako? haha. long time no comment din. hehe... nag-ulit ka rin pala. at least natuloy mo... ako ilang reboot na ng blog di ko pa rin matuloy... hehe

 
At 10/21/2011 8:24 PM, Blogger mary said...

ooooohhh me bagong kisses na pala! go go go!! :)

 

Post a Comment

<< Home