My Other Creations
Saturday, July 14, 2007
TONTON AND ERICK
Two stick people saving the world using their secret identity. They can be easily distinguished through their obvious (and only) difference - Tonton has hair, Erick has none - making Erick look just like an ordinary extra.
Around 6 yrs old siguro ako nung ginawa ko ito. Di ko alam kung bakit tonton at erick ang pangalan nila. May costume sila kapag nililigtas nila ang mundo. At dahil natatakpan ang mga mukha nila pag naka-costume, may initials ng pangalan nila ang damit nila para makilala kung sino ang alin. Nagkaka-powers sila pag may costume sila. At sa hindi malamang kadahilanan, sumisigaw pa sila ng "POWER!" kapag gagamit sila ng power =p Heto at ating tunghayan ang isang matinding bakbakan - CLICK ME Naintindihan niyo ba ang nangyari? Hindi? Ako rin eh hehe =p At eto naman ang isa pa - CLICK ME Spaceship nila yan... at talaga namang napakita na ang layo ng kanilang nilalakbay. Ilang panels din ang inabot sa sobrang layo!
Malaki din ang naging bahagi ng Tonton and Erick sa pagdo-drowing ko - inabot siya ng approx. 500 pages ng record book na walang kwenta ang mga kwento. At padami ng padami ang characters na karamihan ay character sa Street Fighter na ginawa lang stick people at characters ng Sailormoon! (wat da) Ang weird pa dun ay hindi stick people sila sailormoon. 0_o Ikinahihiya ko na yun kaya hindi ko na ipopost dito... imaginin niyo na lang. haha
THE STORY OF CAT
These two unnamed cats can stand and talk like real people, and their favorite food - dogs 0_o
Kasabayan ito ng Tonton and Erick kaya stick din ang katawan nila. Di ko alam kung ano ang pumasok sa napakabata kong kaisipan at ginawa kong kumakain ng aso ang mga pusang ito. Mukhang naimpluwensyahan ako ng mga looney tunes at tom and jerry - parati kasing kawawa ang mga pusa sa aso, kaya itong komiks na ito siguro ang paghihiganti ng mga pusa. Pero kung titignan mo naman sa tunay na buhay, hindi naman talaga magkaaway ang pusa at aso. Heto ang preview - CLICK ME Yung unang panel, nakatuhog yung aso sa stick at bina-barbeque (masyadong maliit yata yung aso). Yung pangalawang panel, busog na sila ^^ haha Brutal!
Medyo malaki din ang naging bahagi nito sa mga record books ko at ito ay nakalalang ng iba't-ibang editions - Story of Cat '97, Story of Cat '98 at Story of Cat '99 na pinagbibidahan ng mga alaga naming pusa sa taong iyon 0_o at sa pagkakataong ito, hindi na sila stick (yahu)
GOWST PAYTER
Dennis doing laundry, Eugene and Vincent playing tag...
Bakit wala si Alfred? Hindi ko siya kayang idrowing. Around 12 yrs old ako nung ginawa ko ito at halatang isip bata pa rin ako. Para itong ghost fighter kids. Eto rin yung panahon na sumikat ang CD... kaya ginawa kong adik si vincent sa CD. Pero ang weird - ginagawa niyang parang hamburger ang mga CD. CLICK HERE Ang mga storya nito ay hindi ko masyadong pinag-iisipan. Basta magdodrowing lang ako tapos bahala na kung ano ang mangyari. Kagaya na lang nito - CLICK ME Bigla na lang nagpasya si Dennis na pupunta sa Baguio na para bang pupunta lang ng mall (at nasa pinas pala sila!). Dito ko nga pala binase ang mga kenkoy na mukha nila kisses ^^
EXTINCT
In a universe where magical power exists, war is uncontrollable. It's a good thing earth is just a puny planet that nobody wants to conquer... so let us watch these Filipino teenagers struggle in their high school life! PREVIEW1 PREVIEW2
May kapangyarihan ang lahat ng tao dito. Pag inactivate ang power, nakatatak sa noo nila ang klase ng power nila - apoy, kidlat, tubig, hangin, etc. Hindi lang sa earth may tao - meron din sa iba't-ibang panig ng universe kaya swerteng hindi nadadamay sa digmaan ang earth... siguro walang kwenta kasi ang earth haha. Ipinakilala ko ang mga main characters sa pamamagitan ng kanilang buhay sa school. At dahil highschool ako nung mga panahon na dinrowing ko ito, high school din sila! 0_o Siyempre dapat sa isang pagkakataon masasama din ang earth sa digmaan... pero dahil sa tinamad na ako, hindi sila nasama. So anong nangyari sa storya? Eh di high school life haha.
Parang kisses din ito na manga style - inaabot ng maraming pages ang kada storya at anime ang pagkakadrowing (at pabago-bago ang hitsura nila... parang kisses haha). 25+ and dami ng characters at maraming makulet... kaya halos lahat ng kwento makulet! Inabot din 'to ng 51 stories tas bitin yung pang 52... hindi ko na napagpatuloy at palagay ko di ko na rin ipagpapatuloy haha.
?
A love story... aaand that's it!
Yung question mark ay logo lamang ng storyang to. Ayokong ilagay yung talagang title kasi... korny hahaha. Mukhang inlab na inlab ako nung panahon na yan kaya ko nagawa yan. Isang storya/episode lang yan tumagal dahil hindi pumatok sa mga readers (si kuya at si ate). After niyan, bumalik ako sa extinct na hindi rin natapos. Ayan pwede niyong silipin ang hitsura ng MAG-IROG.
5 Comments:
hehe! naaalala ko pa to.. mabasa nga ulit yung gowst payter =)
gumagawa rin ako ng comics dati...
gusto ko yung mga pusang kumakain ng aso... very brutal!
brutally done! hahahhah... pero nabigyan naman ng justice yung mukha ni dennis! (^_^) V
ako hanggang stick lang yata ang naabot ko... ay teka, i remember nag-drowing din pala ako ng dennis... nasa teacher ko nung high school!
haha.. ghost fighter.. naadik ako dun dati.. tlgang iaabangan ko.. =P
mhilig kna pla tlgang mgdrawing khit dati pa noh? hehe..anggaling..=]
tas waah.. antgal ko na atang ndi nabisita tong site mo, ngbago ung header.. danda danda.. =] keep it up! =]
lol
Post a Comment
<< Home