Diary ng Panget

Saturday, June 29, 2013

Dumaan ako sa National Book Store at tinignan ang komiks section.  Tapos nun, tinignan ko naman yung local bestsellers list... At sa aking gulat, ISANG PINOY MANGA ANG NUMBER ONE!!! Dinampot ko - Tinignan ko yung cover - "Diary ng Panget..." teka... diary ng panget? Asan ang "panget?" Anyway, binili ko na rin dahil nabenta agad ako sa drowing. Pag-uwi ko, eh di binuksan ko. Pagbuklat ko - Eh puro salita! Kaeng-engan ko talaga. DIARY nga eh - hindi KOMIKS! haha! Well, sabi ko at least sana may kahit kaunting drowing lang - parang Diary of a Wimpy Kid (Yep, nabasa ko yung unang libro nun at nakakatuwa din) Eh wala din. Talagang libro lang siya. Toink.


Ngayon binasa ko yung introduction sa loob - Nung nabasa ko yung "Mahirap maging sikat kasi hindi ka makapangulangot," sabi ko sa aking sarili - ISANG HENYO ANG SUMULAT NITO!  Sino na nga ba ang nagsulat nito?  Ayun - HaveYouSeenThisGirl.  Have I seen this girl?  Nope.  Wer u!?

Ang sunod kong ginawa - hanapin ang pangalan ng nagdrowing.  Sa unang page - wala. Baka nasa likod - Whoops!  Ang dulong page ay ang mismong mga huling salita ng libro.  Spoilers!  Tapos nagsimula ng mag-rant ang utak ko - Bakit ba parating hindi masyadong nabibigyan ng credit ang... tapos bigla akong napahinto.  Unless... si HaveYouSeenThisGirl mismo ang nagdrowing! Bigla bulusok ng tuwa ko! Marunong siyan magdrowing... KAYA NIYANG GUMAWA NG KOMIKS!!!

Last month lang napaisip ako - lahat ng iniidolo kong kartunista ay puro lalake.  Sana naman magkaroon ako ng kahit isa lang na iidolohin na babaeng kartunista.  At eto na nga - maaaring si HaveYouSeenThisGirl (ang haba ng pangalan) na ang sagot sa aking mga pangarap!

At sa wakas nag-research na rin ako ng kaunti gamit ang "friend" ng lahat - si google.  Apparently, meron na nga siyang komiks na ginagawa - "She Died" ang title at kumuha na siya ng ibang cartoonist (dahil ayon sa kanya, isa siyang frustrated artist.)  Isang napakahusay na manga-style cartoonist na nagngangalang "Enjelicious."  Mukhang medyo "mushy-mushy" ang storya.  haha!  Anyway, baka bilhin ko pa rin pag lumabas.  Sabi ko nga nabenta ako nung "Mahirap maging sikat dahil hindi ka makapangulangot" line sa Diary ng Panget.

3 Comments:

At 6/30/2013 11:43 PM, Anonymous 霧島はる said...

LOL nabasa ko to sa wattpad nung wala pa siyang libro xD

Nung una najologs-an ako pero natuwa din naman ako sa dulo xD

haha mga babae nga naman kung gumawa ng fanta-love-story xD

 
At 7/01/2013 10:15 PM, Anonymous Anonymous said...

Hindi po si HaveYouSeenThisGirl and nagdrawing ng cover, si Jan Irene Villar po, ayun dun sa website niya.

http://haveyouseenthisgirlstories.com/image/52618947915

 
At 7/03/2013 4:12 PM, Blogger mojacko said...

Hi, baka gusto mo mag-apply sa opening sa comics page sa inquirer? Pero dapat proportional sa 14.5cm x4cm yung strip. send mo na lang sa arts@inquirer.com.ph thanks!

 

Post a Comment

<< Home