Ako ay magaling magdrowing...
Saturday, March 03, 2012
...SANA. haha! Yep, parati kong naiisip yan tuwing ako ay nagkakandahirap mag-drowing. At muli ko ngang naisip yan ng makita ang ad na ito sa dyaryo:
Busog Lusog! Talagang magaling magdrowing si taga-ilog... nagpe-presume lang ako na siya ang nagdrowing. Hindi ko kayang mag-ink ng straight line ng walang ruler. At lalong hindi ko kayang mag-ink ng kaaya-ayang bilog ng walang pagbabakatan. Kung kaya mo yan, abay malamang may hidden talent ka sa pagdodrowing! Hindi mo naman pwedeng i-generalize ang lahat ng bagay pero lahat kasi ng kilala ko na magaling magdrowing ay kaya yan. Hindi ko naman sinasabing pangit akong magdrowing - hindi lang ako umabot sa "bracket" ng tunay na talentado. Tila masmadalas pa akong magbura kaysa magdrowing. haha. Nakaka-inis din pag puro bura.
Lately nainggit ako sa mga nakikitang kong magagandang drowing at pilit kong pinapantayan ang kanilang galing. Kailan ko lang na-realize na pinapahirapan ko lang pala ang aking sarili. Kaya simula ngayon ang motto ko sa pagdodrowing ay - "PUWEDE NA YAN!" haha! Yep, kuha ng papel, hawak ng lapis at bahala na! Kung pangit eh di pangit! haha. Kung tila hindi pantay yung mata, or tabingi ang mukha, or hindi proportion ang katawan, YEP! - Style ko nga yan! haha.
Bukod pa diyan, pasisimplehin ko na rin ang pagko-computerize. Black and white na lang. Pero hindi kagaya niyang busog lusog na black and white nga pero matindi pa rin ang shadings. Simpleng sara ng butas at Fill-in lang ang gagawin ko. hehe. Tamad ko talaga. =p Ginawa ko na yan sa strips 19 at 20, at ako'y napapasabi na lang ng "Waw, tapos na agad ang isang panel? Ayos! Next!"
*EDIT (March 10, 2012)--------------------------------------------------------------------------
Ang komiks na yan ay katha pala ni Tepai Pascual. Salamat kay florencio jusay.
1 Comments:
Kilala ko personally ang artist nyan. si Tepai Pascual (Maktan 1521). Kaya yan! ako striving din ako, pero eto nakakagawa pa rin. Sali ka bro sa INDIE KOMIKS MANILA, kaso may facebook ka ba? heehee
Post a Comment
<< Home