Tinay Pinay
Sunday, October 02, 2011
At Fan Art ang una kong post haha. Aking rendition ng Tinay Pinay na guhit ni Mr. Bobit Cunanan, Kisses comics Style. Malamang hindi kayo nakakarelate kaya heto ang kaunting detalye:
Ang "Tinay Pinay" ay isa sa mga storya sa Pilipino Funny Komiks, isang pambatang komiks na sikat nung kabataan ko. (Marami ngang nako-confiscate na Funny Komiks nun haha.) At ang Tinay Pinay ay isa sa mga pioneers ng na-publish na "Filipino Manga." Kaya naman nai-imagine ko na ang mga Filipino Komiks Loyalist na sumisigaw ng "Curse you Bobit Cunanan!!!"
Parang may pagka Ranma 1/2 ang drowing style ni Mr. Bobit Cunanan at ang kukulet ng mga kilos haha. Puno ng facial and body expressions ang kanyang style kaya naman kwela. Isa 'to sa mga inaabangan kong kwento sa Funny Komiks dati.
1 Comments:
hala... malamang ka-age kita...
weekly pa ang pag-iimprenta ng funny komiks dati...
nice artwork!!!
na-miss ko na tuloy si eklok at ang mga defenders of the universe...
Post a Comment
<< Home