The Not-So-Seecret Sunday Update! OooooOOOoo!
Sunday, October 16, 2011
Yeh, alam niyo nang kapag ito ang post ko ibig sabihin walang update. hehe. Pasensiya na. Inabot ako ng isang buong linggo para isipin ang hitsura nung bagong character. Next update, college na sila.
Updates:
- Re-arranged the sidebar contents.
- Added "list of series sorted by date" in the Strips Sidebar.
- Added "review" and "gallery" in the Author's Corner Sidebar.
- Deleted spams.
spamspamspamspam
- "Unang araw sa kolehiyo" series.
秋月 大和
Walang sasagot sa'yo diyan sa cbox kundi spam haha. Parang natumbok mo din yung tatay ni kisses. Mukha bang lasenggo? haha asteg! Pag tumagal gagawa ako ng "character reference" posts para malaman kung saan galing o saan binase ang mga characters. Teka, sino nga pala ang tinutukoy mo sa "pangit nung dati shorthaired?"
Jinn
Yep, babalik yun syempre. Hindi kisses comics to kung walang kesong lab story. haha! Musta na school?
GJ
Haha astig! Malamang sa isang seminar ko nga din narinig yan. At siguro nga inulit ko ang Kisses para gawing "best"... at least sa aking makakaya. :)
EMFIII
Welcome back :) Salamat!
siomai
Talaga? Ayos hehe. Salamat sa patuloy na pagtatangkilik :)
*EDIT (October 17, 2011)--------------------------------------------------------------------------
秋月 大和
Hindi ko na siguro ipapakitang bata yung ibang characters - parang surpresa na lang ang mga ugali nila habang umuusad ang kwento. Pero yung batang kisses ay hindi ko iaabandona. Ito na yung [little kisses] project ko dati na hindi natuloy. Parang fillers - ibubudbod (parang nagluluto) ko siya sa iba't-ibang parte ng komiks.
Tapos yung tungkol sa maiksing buhok ni kisses... yeh, tama ka. Hindi rin ako kuntento dun sa maiksi niyang buhok. Pero gusto ko talagang gawing maiksi ang buhok niya sa college. Siguro sa ngayon pag-aaralan ko muna ang buhok ni kisses. Kung talagang hindi pa rin ako kuntento sa maiksi, baka pahabain ko na lang.
At siya nga pala: Yan na talaga yung original na buhok ng batang kisses - pig-tail. At yang style na yan ay tila pambata lang. Hindi bagay sa matanda... actually, sa totoong tao hindi siya bagay. Pero dahil drowing sila... yeh, maaaring pumwede! Hmm... ge, pag-aaralan ko muna ang buhok ni kisses. Salamat! :)
3 Comments:
waah...
college agad? walang batang characters ung iba?
si kisses ung tinutukoy kung pangit nung shorthaired..LOL..
hehehe abangan ang susunod na kabanata...
dapat maraming update pag open ko next week ha hehehehe i-pressure bah, hehe joke lang adrian. go go go, looking forward to it..
haha..sakin po ba kayu nagpapasalamat? haha..welcum po..at salamat sa magiliw na pag-unawa...haha
Post a Comment
<< Home