Review 01

Friday, July 29, 2011

Kahit ano. Puwedeng palabas, pagkain, memorial plan, alikabok, etc. May isang rule lang - lahat ng ire-review ko dito ay gusto ko o bilib ako. Hindi na ako maglalagay ng score pero lahat ay 9.0 - 10.0 ang score (inclusive). So without further ado, heto na ang First Review:



Palagay ko imposibleng ma-bankrupt ang may ari nito. Lahat yata ng taong kilala ko ay na-hypnotize nito. Para siyang drugs - nakaka-adik, at masama sa iyong kalusugan. Pero angat siya sa drugs dahil siya ay - take note - HINDI BAWAL. Yep, masama siya kaya isa siya sa mga usual na sinasama sa new years resolution para itigil. Pero syempre hindi natutupad. At oo, biktima din ako ng produktong ito. Well, sabi nga ng boss ko - Life is short, make it shorter! Anyway, drink moderately mga kids.
+ S H O W / H I D E +

>>

0 Comments:

Post a Comment

<< Home