gotta catch 'em all, jejemon!

Monday, May 17, 2010

Hello. Paramdam lang ako pagkatapos ng mahabang hiatus. Ang dami na rin nangyari at sa kasamaang palad hindi ako nakaboto. =p Tinamad dahil sa haba ng pila. hehe. Sorry Sen. Mar Roxas. Mukhang matatalo siya dahil sa mga katulad ko na tinamad bumoto. =p Parang hindi ko pa naman gusto si binay... ewan.

Lumang balita na ito pero nakakainis dahil nag-break na ang mymp... Kainis inaabangan ko pa naman ang big break nila pero wala pala. haay... napa-research pa nga ako nung nabalitaan ko yan - may nabasa akong nadisband umano sila dahil mabaho daw ang paa ni chin; may nabasa din akong pokpok daw si juris. EWAN! Basta disbanded na sila at malungkot ako dahil acoustic talaga ang favorite kong genre.



Kapatid ni sandara yung nasa kanan at yung nasa kaliwa naman ay si IU. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng IU. hehe. Ewan ko ba pero pag sinearch mo siya, "marshmallow" ang pinakasikat niyang kanta. Lumalabas yata na hindi masydaong tinatangkilik sa korea ang acoustic genre. Eh puro pagpapakyut lang naman ginagawa ni IU sa kantang marshmallow. Hay sayang talent. Siguro kung pinay lang siya baka mas sikat pa siya sa mymp. hehe. Bitter talaga ako sa mymp =p Well, heto pang isang video na pinapakita ang kanyang talent - IU- GEE/LIES/SORRYSORRY

Naalala ko bigla, inaantabayanan ko nga pala yung mga kumakanta ng Lupang Hinirang sa laban ni pacquiao at gustong ko lang sabihin na pasaway si arnel hehehe. astig

DH
Wooh PS3!

Jinn
Sori ndi nkapag-update.

GJ
Salamat ^^

thediwata
Wow Inglatera... musta naman diyan?

ivy
Noybi na yata ang panalo haha.

richard mwebz85
Hello at welcome po sa kissescomics. Meron po hehe

1 Comments:

At 5/17/2010 8:42 PM, Anonymous Anonymous said...

Waw, ang tagal ding hindi nagparamdam ito. Nakapagpalit na ako ng profile name from Not Lemony Snicket lahat-lahat, more Kisses.. :D

 

Post a Comment

<< Home