Anime Overload Festival
Monday, November 09, 2009
Masaya siya na nakakapagod. Nakakapagod kasi ang daming tao. Sa sobrang dami nga ng tao kailangan pa ng mga manong gwardya para ayusin ang pila.
Maraming tindahan ng mga figurines, buttons, t-shirts, mga burloloy, dis-embodied figurines, pagkain, at marami pang iba. Medyo nanghihinayang lang ako dahil onti lang ang na-picturan naming cosplayers dahil nagkakahiyaan pa. Bukod nga sa mga Zombie Nurses na picture sa taas (Silent Hill yata yan), si Lili Rochefort (Tekken) lang ang napicturan ko ng matino... nakalimutan ko pang i-on ang flash ng camera. At habang tumitingin kami ng mga cosplayers parati na lang kaming napapasabi ng "anong anime yun?"
Sa pagtingin-tingin ko sa paligid mukhang ang pinaka sikat ay si Haruhi Suzumiya. Mula sa t-shirt, sari-saring figurines hanggang sa magkakamukhang cosplayers. Hindi ko alam kung bakit pero pag nakikita ko yang mukha ni Haruhi Suzumiya, naiinis ako. Hindi ko naman napanood yan. Ewan ko ba! Yung pagkainis ko sa kanya eh gaya ng pagkainis ko sa Anime na Evangelion.
May iba't-ibang video game consoles, Arcades, at may Monster Hunter corner pa (isang tumpok sila sa isang side puro may hawak na PSP).
May mga nagperform na bands. Sa dami ng kinantang japanese songs, isa lang ang alam namin. May mga sumayaw din. Late na nag-start ang cosplay kaya sa kasamaang palad, hindi na namin napanood. At sobrang dami na ng tao nung hapon. Literal na hindi na kasya sa loob ng convention room kaya nasa labas na yung iba.
So heto pa ang ilang pictures mula sa event: [Lucky Star Figurines] [Saber (Fate Stay Night)] [woffy (WOF)] [Chi Stolen Shot (Chobits)] (para akong stalker) at sino ang hindi nakakakilala kay [The Wizard!]
Kung at least one time naging bahagi ng inyong buhay ang anime, subukan niyong umattend ng anime convention kagaya nito kahit isang beses lang. Once in a life time experience din siya. Para sa mga guys, maraming magaganda, kyut at seksi. Para naman sa girls, may mga astig at may mga pretty-boy din. So yun! Try niyo hehe. At wag niyo akong gayahin na nahiyang magpa-picture - kaya nga nagdamit ang mga yan para picturan niyo =)
Siguro next stop na ay ang comicon para ma-meet ko naman sila Sir Pol Medina at Sir Lyndon Gregorio... hehe
Ah siya nga pala, wala ako sa mga pictures na yan. Parati kong hawak ang camera.
2 Comments:
Sugoi!!! Kono shashin suki desu..
hinanap nga kita sa mga pictures, kala ko, andun ka. next time, dapat kasali ka na.
sana may ganyan dito sa amin..kala ko sa Shibuya lang may ganyan. Alam mo siguro ang Shibuya, Adrian noh?
Gusto ko talaga makakita ng mga ganyan.
ZOMG! andun ka! eh nagcosplay ako dun! watta ako yung may dalang pekeng boteng pampasunog at mukhang pambalot ng yema! hahahaha...musta naman!
Post a Comment
<< Home