303

Thursday, May 07, 2009

LIHIM NA KAARAWAN (4)

<< >>

Araw-araw na lang nasa balita si Martin Nievera. Kung kakasuhan nila si Martin dapat kasuhan din nila lahat nung mga naunang kumanta para patas. So kung ako tatanungin pabayaan na lang nila si Martin, tapos gumawa sila ng matinding batas kung paano talaga kantahin ang pambansang awit, at yung mga susunod na kakanta na lang ang pag-initan nila. (hala humanda ka na Charice Pempengco)

Tamang pagkanta ng Lupang Hinirang - pagsinum-up mo lahat ng sinasabi ng mga eksperto sa tamang pagkanta ng lupang hinirang - dapat mukha kang robot. Alam niyo yung tape na pinapatugtog pag flag-ceremony? Mabilis diba? Maganda siyang pakinggan PAG CHOIR. Pero pag mag-isa ka lang magmumukha kang ewan... lalo na kapag yung sa patapos na part eh hindi mo babagalan. Para kang napupupu na dahil ambilis mong tinapos. At kahit pa sinong singer ang ilagay nila diyan parati silang magrereklamo... kasi kaya nga naging sikat na singer yan eh. May unique style yan. Kaya naman para walang reklamo, dapat maglipad sila ng choir sa Las Vegas... oh baka naman pansinin pa rin nila dahil hindi naman sila sabay-sabay!?


Jinn
haha pareho tayo =p

raniel
Hi. ECE ang course ko. Bale engineering yun kaya kung mapapansin mo marami akong male-maleng english hehe. Welcome sa kissescomics =)

1 Comments:

At 5/07/2009 9:20 PM, Anonymous gj said...

haha! nakakatawa ka adrian! pero may punto ka naman..ganyan talaga ang tao, parating may napupuna

 

Post a Comment

<< Home