video game

Wednesday, January 14, 2009

lihis lang ako sa komiks panandalian ^_^

Mga Kinaadikan Kong Video Games (In no particular order)

Pictures courtesy of Gamefaqs.com

Resident Evil - Around highschool ako nito. Hindi ko siya kayang laruin sa sobrang takot! Bale si kuya naglalaro sa PC tas spectator lang kami ni ate. Ang liit-liit nung window nung resident evil sa PC namin (panget yata ang pagkakasalin from PS to PC) -one fourth lang yata ng buong screen pero takot na takot kami. Hindi ako nakatulog nun haha. Nung malaki na ako tsaka ko lang napansin na ang pangit pala ng voice overs dito.


Command & Conquer Red Alert - Memorable sa akin yung tugtog na Hell March. Tuwang-tuwa ako sa tesla coil at minsan nga tinadtad ko ang buong base ko nun. Ang ganda ng larong 'to kasi may pagka-realistic siya... Kaya naman para sa akin bulok ang mga sequels nito dahil nagmukha ng Starcraft wannabees.





Shadow of the Colossus - Masaya din naman ang mga maypagka-sci-fi pero iba pa rin talaga para sa akin ang mga realistic. Hindi naman sa sinasabi kong realistic yung may kalaban kang mga dambuhala... Realistic to in the sense na dedz ka pag nahulog ka sa mataas na lugar, wala kang laser guns - sword at pana lang ang gamit mo, pag nadaganan ka dedz ka... alam niyo yun? -yung tipong hindi ka kasing lakas ni goku! Ang saya nito! (although inaantok si ate pag eto nilalaro namin). Sana gumawa sila ng sequel nito.



Strikers 1945 - Kaya ko tong tapusin ng isang token lang. 'nuff said. hehe

















Bust A Groove 1 & 2 - Hapon ang gumawa nito kaya naman masaya ako dahil hindi lang sila nagconcentrate sa J-pop! Actually ang tunog J-pop lang eh yung kay shorty at kitty-n. Yung kay kitty-n more of pop dance pa ang dating. Favorite ko ang BaG 1 dahil sa music at yung BaG 2 dahil sa inayos na gameplay. Magaganda kanta sa BaG 1... except sa mga kantang techno dahil hindi ko talaga trip ang techno. Ang isa ko pa nga palang nagustuhan sa BaG 2 ay ang pagdagdag nila sa character na si Pander! Horror yung character na yun at pati na rin yung kanta kaya ASTIG!

Starcraft -Hindi naman ako talagang super nerd sa larong ito pero alam kong minahalan nila yung Spawning Pool kaya naman lalong naging walang kwenta ang paborito kong Zerg! haha Medyo kabisado ko pa kung magkano ang mga units at structures sa game na to dahil ni-reinstall ko siya nung college ako. Malamang kung gaano naadik ang karamihan sa Dota, ganun din ako kaadik sa starcraft.





Ragnarok Online -Speaking of Dota, eto ang pinagkaabalahan ko nung mga panahon na yun (adik!). May mga nagsasabing SOBRANG GANDA ng larong ito (sila yung mga napakapulot ng magagandang items) at may nagsasabi rin na RAGBULOK to (mga hindi makapulot ng magandang items). Ako ang masasabi ko lang eh na-antig ako ng game na to. (what the) I mean Kamon??? Ang kukyut ng mga character sprites (karamihan ng babae ay lalake), ang kukulit ng mga emoticons (HELP! habang nagfa-flood ng PA HEAL PO!!!), ang gaganda ng tugtog (kainis na Prontera Theme yan!), unique designs ng mga characters (ginawa lang green yung poring malakas na)... ah basta! Naadik talaga ako dito. Pero sa seryosong side, nagustuhan ko yung simpleng computation ng mga stats dito na nagsisimula talaga sa 1 (hindi gaya ng Final Fantasy na parating sumisigaw ang mga numero 99999999 DAMAGE!!!!) Anyway, pinaka memorable ay yung beta days. Yung tipong marami pang namamatay dahil akala nila mahina lang yung kalaban dahil ang kyut. Atsaka maraming nagsasabi ng AMP! sawsaw!!!

Donkey Kong Country - SNES game. Top notch ang graphics nito nung nilaro namin at talagang nahumaling kami. Sobrang adik namin eh kinumpleto namin ang lahat ng secrets 0_o










The Legend of Zelda: A Link to the Past - Isa pang SNES game na kinaadikan namin. Naistak kami sa last part nito sa SNES kaya nilaro ulit namin sa PC gamit ang emulator.










Chrono Cross -Malamang ito na ang pinaka-memorable RPG ko since isa siya sa mga nauna kong nalaro at ilang beses ko din siya inulit. Sobrang dali lang nito. Pwede ka pa ngang tumakbo sa Boss fight! haha Oo nga pala, kung music lang din ang pag-uusapan, the best ang Soundtrack nito.







Pokemon - Tamagotchi and RPG in one! Hindi naman ako yung tipo ng nagpalakas ng pokemon ng todo pero ilang beses ko rin tong inulit. Maganda rin ang soundtrack nito kahit gameboy sounds lang.






Audition Online - Ang challenging version ng Bust a Groove. Girly ang larong to pero para siyang ragnarok na nakakahumaling yung mga kyut na characters. Nakakainis lang kapag puro kayo lalake sa loob ng room... parang badingers. Dahil sa kaadikan ko, kayang ko ang d8 188bpm... pero hindi ko kaya yung naka-chance. Mahilig din ako sa chain pero hanggang x12 lang yata ang max ko. Dahil sa larong ito kaya ako na-introduce sa K-pop (na sa totoo lang eh tunog J-pop lang din naman haha). May magandang kanta dito si Jang Nara - si little lobster sa Mischievous Princess haha.

Silent Hill - Awooo! Patayin ang ilaw at lakasan ang volume ng TV! Nung first time ko tong nakita hindi ko rin siya kayang laruin. Inabot din yata ng taon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na laruin to. Ang major flaw lang ng game na ito ay nakakahilo... atsaka bading nga palang tumakbo si Harry Mason! haha. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko to inulit sa kakapilit na maabot ang 10 star ranking (pero 9.9 lang ang nakuha ko).





Harvest Moon: Back To Nature -Kainis sobrang naadik ako dito dati. Tuwang-tuwa pa nga sila kuya at ate pag nilalaro ko to sa gabi dahil nakakaantok siyang panoorin! Nakakatuwa to kasi pwede kang mag-asawa, so liligawan mo muna. Kung bulaklak ang favorite item nung liligawan mo abay magpabalik-balik ka lang sa bundok tapos ibigay mo sa kanya... ilang araw lang eh gusto ka na rin niya!!! Grabe kung ganyan lang kadali manligaw sa totoong buhay... Basically ang mga gagawin mo dito ay tanim, dilig, ani, alaga ng manok, baka, aso, kabayo, mangisda... yun! May mga festivals para hindi ka agad magsawa pero diyan lang umiikot ang buhay mo araw-araw. haha Nakakasawa din.

1 Comments:

At 1/16/2009 8:38 PM, Blogger Hazel Manzano said...

powtek! namimiss ko na tuloy maglaro! ang tagal ko nang iniwan ang video games dahil nga nahinayang na ako sa oras na kinakain nito. nga pla... yung fan art mo, sa book 2 ko na lang isasama. nalimutan ko talaga sa sobrang tagalna nito. nakabili ka na ba ng callwork book ko? hehe

 

Post a Comment

<< Home