trivia03
Friday, December 19, 2008
Bago ang lahat, ang OFFICIAL COMIC STRIP SIZE ay 3x10". Sinabi sa akin yan ni Ate Hazel Manzano (creator ng Callwork) na sinabi sa kanya ni Kuya Lyndon Gregorio (creator ng Beerkada). aaa antindi ng pinanggalingan ng info na yan =) Medyo lumabag kasi ako sa size na yan hehehe
--- steps sa paggawa ng kisses comics ---
Para sa mga interesado =) Bago ko simulan ang kisses, gusto ko talagang makita kung paano nagdodrowing ang mga professional artists. Pero dahil wala naman akong kilala sa kanila, dinaan ko ang lahat sa paboritong solusyon ng lahat - ang TaE (Trial and Error).
So heto ang VERY UNPROFESSIONAL na paraan ng pagdodrowing ko sa kisses.
(click on the images for a higher resolution)
1. PENCILING - kokomban (short bond paper) tsaka 0.5 mech pencil lang gamit ko. Light sketching muna tapos didiinan. Okey naman ang lapis basta ba malinis ang pagkakagawa. Kung madumi, okey pa rin dahil ma-e-edit naman siya sa manga studio. Syempre da best kung marunong kayong mag-ink. Hindi ako marunong eh hehe

2. SCANNING - Ayan ang scan window. Ini-iscan ko siya in 720 dpi. Ang ikinaganda ng scanning sa manga studio ay mae-edit mo pa yung iniscan mo bago niya gawing layer - pwede mong i-resize o palinawin/palabuin.
3. EDITING - Galing no? Parang naging ink na 0_o Bale dito ginagawa ang Dust Cleaning (Feature ng Manga Studio para luminis ang pagkaka-scan), pagpupwesto ng kada na-scan sa page at pag-correct nung mga mali kanina sa PENCILING.
4. PANELING - Napakadali nito dahil feature to ng manga studio. Ituro mo lang kung san mo gusto hatiin yung page at siya na gagawa ng panels.
5. SHADING - Parang MS paint lang to. Isara yung mga butas tapos gamitan ng Fill tool. Basta marunong kayo nun, madali niyo nang mapapag-aralan ang Gradation (makikinis na shading gaya nung buhok) at Tones (may design na Fill gaya nung damit ni kisses).
6. BACKGROUND / FOREGROUND - Yep, sa pc ko lang ginagawa ang karamihan ng BG. Tao lang naman talaga ang mahirap i-manual sa mouse.
7. SPEECH BALLOONS - Medyo malulungkot ka dito dahil matatakpan yung iba mong pinaghirapan hahaha. Hindi ko ginagamit yung Balloon Tool. Mas-trip ko yung i-manual na lang gamit ang Pen tool. Maskontrolado mo pa ang kalalabasan. The end
Matindi ang resolution ng Manga Studio. 12.5% lang ng strip ang pinopost ko dito. Pakita ko lang:
ZOOM (100%) (click niyo yung pic para sa original resolution)
ZOOM (800%) eto na yung todo. Bibig na lang nung nanay ang nagkasya.
[01] [02] [03]
<<

4 Comments:
haha. natutuwa ako.XD
Ang galing, mahusay! Parang nakakaengganyo tuloy gumawa ng komiks neto.
Naku lalo ako nainspire gumawa ng komiks sa blag ko.
Teka san pala nakakakuga ng Manga Studio? Ahehey.
Ngayon ko lang ito nakita! Ang galing galing naman! :) Mukhang mahirap yung pagmanual nung mga bg at speech balloons. Well, para sakin ha! :D
Sa wakas updated na ako sa komiks mo. :) Mag-aabang pa ako nyan! sobrang namiss ko talaga itong blog na ito.
**OFF-TOPIC: medyo naaliw ako sa kakabasa nung mga comments nung mga posts ko dati, tapos nabasa ko na nagppiano ka nga pala. wala lang, nakalimutan ko na kasi yun about you! wahaha :)
Post a Comment
<< Home