Fate/Stay Night

Tuesday, May 27, 2008

Detalyado dapat yung armor niya... hindi ko lang kaya i-drowing. Siya na yata ang pinaka-astig na babaeng anime na nakita ko. Weird din dahil puro laban nasa-isip... pero nandun pa rin naman ang feminine side niya.

Maganda ang drowing at graphics nung anime. Sa umpisa natuwa ako sa mga servants - based sila sa ilang prominenteng mythical characters... at syempre malakas sila 0_o. Si King Arthur ang katauhan ni Saber. Tas King Arthuria tawag sa kanya sa era niya (diba dapat "queen?"). Pero pagtapos, hindi ko siya maiwasang maikumpara sa Full Metal Alchemist. Yung "tracing" power nung bidang lalake ay parang transmutation process na walang transmutation circle. Tas yung Holy Grail parang Philosopher Stone. Tas may part din na papatay ng tao para mabuhay haha. Kung sa storya lang eh mas maganda talaga ang full metal (horror nga lang ang full metal). At hindi ko rin magets kung bakit fate/stay night ang title. 0_o hmm

Nakakainis din kasi may "pinagkakaguluhan-ng-naggagandahang-babae-yung-bidang-lalake" factor siya (parang tenchi muyo, love hina, ah my goddess... etc.). Although mild lang naman at mas matino naman yung bida sa fate/stay night. Tapos may isang character na talagang nakakainis - si Ilya. Pabago-bago ugali - pa-kyut na makulit, na gustong pumatay na hindi, na kunyari mabait (ewan). AT NAPAKALAKAS NIYA!

Based pala siya sa isang eroge game kaya pala may isang episode na weird. Pero at least wala talagang hubaran na nangyari. 0_o Ginawa lang nilang excuse yung pagsalin ng magic para magka-hentai.

OVER-ALL, simple lang ang storya niya. haha. Yup, manood na lang kayo ng full metal alchemist. Si Saber lang ang habol ko dito haha. Pero maganda nga pala yung mga fighting scenes tsaka astig yung mga servants.

Ayan, gumawa ako ng Dōjinshi. Actual scenes sa palabas na inedit ko yung nangyari. ^^

1st strip - saber's 1st appearance2nd strip - ang weird na character na sinasabi ko3rd strip - "eroge" scene

2 Comments:

At 11/21/2008 4:32 PM, Anonymous Anonymous said...

haha. Natawa ko sa spoof na episodes neto. Ou nga, tama ka. nakakairita si Ilya, pero ang cute ng pagkakadrawing sa kanya. :D

 
At 12/02/2010 4:22 PM, Anonymous nagbabasangkissescomics said...

Awwww. Akala ko talaga dati si Shiro at si Tosaka ang magkakatuluyan. Na-disappoint ako na si saber pala type ni Shiro. Panget! :))

 

Post a Comment

<< Home