318

Friday, November 27, 2009


Favorite ko dati nung bata ako ay yung tinapay na pinalamanan ng ovaltine. Isa pa ay yung kanin na binudburan ng maraming asukal at powdered na gatas. Ngayon, hindi ko na sila gusto. =p Nagbabago talaga ang panlasa ng tao pag tumatanda.


kathy
Oh wow, tenks! Ikaw ba yung anonymous na nag-comment sa strips 03, 65, at 70? Naka 270 strips ka sa isang upuan! Antindi! =) Welcome ulit sa kissescomics at bisita ka lang parati. hehe

ivy
Ok na ok hehe

317

Thursday, November 26, 2009

ANG KATAPUSAN NG MUNDO (4)<< >>

At sa langit sila napunta!

Kalimutan na natin na 5 billion years pa ang itatagal ng sun, ang earth daw ay habitable na lang sa loob ng 500 million years. (it's the end of the world!) Pero sa polusyon na binibigay natin sa earth siguradong masmaiksi pa diyan. =p Or baka totoo nga yung 2012... ewan haha.

Tungkol naman sa Wikipedia, kahit hindi siya 100% credible, maswerte pa rin ang mga bata ngayon. Ang mahal mahal ng encyclopedia tapos naluluma pa. Although may karanasan ang classmate ko diyan sa wikipedia. Ang nakasulat ba naman ay - "Morse code is good for sucking balls." 0_o Tapos hindi nila napansin kaya na-print, finolder at montik ng maibigay sa titser! haha Buti na lang napansin bago ipasa... Grabe riot din kami nun.


mary
Yep, makulit siya. =p Parang natural sa kanya yung pagiging komedyante. At despite ang mga controversy sa kanya tingin ko isa pa rin siya sa mga pinaka-humble na boxingero with respect sa narating niya. Well, si Ali lang naman talaga ang tinignan ko dati... at mayabang siya hehe.

316

Tuesday, November 24, 2009

ANG KATAPUSAN NG MUNDO (3)<< >>

Ang pinakamalapit na star daw (excluding sun) ay approx 4.3 light-years mula sa earth. Ibig sabihin ang nakikita natin ay 4.3 yrs old na image na lang ng star na yun. Mismong ang image ng araw daw na nakikita natin ay 8mins old... so pag biglang nawala parang bula ang araw, aabutin pa ng 8 mins bago natin mapansin - "ay wala na palang araw..." tapos lalamig ng matindi at end of the world na hehe.

fpj jr
astig yung picture mo ah =)

GJ
Gusto rin sana naming makita ang cherry blossoms =)

Paola
Oo nga no! =) Napanood mo ba yun? Mukhang maganda naman.

whitepaige
Si Jinkie din =)

Anonymous (strips 03 65 70)
Salamat sa mga comments at welcome sa kissescomics =)

tannix
Haha may drumroll pa =)

Jinn
Rok'on (parang ragnarok)

ivy
Welcome back din =)

rodel
Salamat.

congrats pacquiao

Monday, November 16, 2009

Sikat na talaga si pacquiao dahil ngayon lang ako nakakita ng asian fans sa front seats... or baka ngayon lang ako nakapansin kasi ang kyut nung babae hehehehe. 3 silang magkakatabi at mukha silang chinese/korean... or baka japanese 0_o

At eto na rin ang isang picture galing kay blitzki dahil makulit siya hehe
fpj jr
Waw naco-cosplay ka? haha okey ah. Hindi naman ba magastos?

rash
hello ulit. Salamat sa pagbalik =) Musta na?

GJ
Aba oo nga no! Harajaku. Cosplayers nga agad ang lumabas sa google haha. Gusto nga rin naming pumunta sana ng Japan kaya lang yang ang pinakamahal bisitahin. Matinding ipunan ang gagawin.

315

Wednesday, November 11, 2009

ANG KATAPUSAN NG MUNDO (2)<< >>

happy pepero day sa mga koreans hehe

GJ
Pareho tayong namimiss na ang spongebob. hehe. Mukhang marami-rami rin ang anime convention dito. Inu-update kami ng kaibigan ng ate ko pag may ganyan. =) At siya nga pala, maaaring na-confuse mo lang ang Shibuya sa Akihabara. At okey lang din yun dahil hindi ko rin kabisado - tinanong ko lang din kay ate. hehe. Medyo naaalala ko lang yan dahil sa japan video topics sa channel 13. =p

gelene
hehe =)

Anime Overload Festival

Monday, November 09, 2009

Yan, first time kong makapunta sa ganito klase ng event kaya gawa na rin ako ng post. Click niyo na lang yung mga may link para sa pictures.

Masaya siya na nakakapagod. Nakakapagod kasi ang daming tao. Sa sobrang dami nga ng tao kailangan pa ng mga manong gwardya para ayusin ang pila.

Maraming tindahan ng mga figurines, buttons, t-shirts, mga burloloy, dis-embodied figurines, pagkain, at marami pang iba. Medyo nanghihinayang lang ako dahil onti lang ang na-picturan naming cosplayers dahil nagkakahiyaan pa. Bukod nga sa mga Zombie Nurses na picture sa taas (Silent Hill yata yan), si Lili Rochefort (Tekken) lang ang napicturan ko ng matino... nakalimutan ko pang i-on ang flash ng camera. At habang tumitingin kami ng mga cosplayers parati na lang kaming napapasabi ng "anong anime yun?"

Sa pagtingin-tingin ko sa paligid mukhang ang pinaka sikat ay si Haruhi Suzumiya. Mula sa t-shirt, sari-saring figurines hanggang sa magkakamukhang cosplayers. Hindi ko alam kung bakit pero pag nakikita ko yang mukha ni Haruhi Suzumiya, naiinis ako. Hindi ko naman napanood yan. Ewan ko ba! Yung pagkainis ko sa kanya eh gaya ng pagkainis ko sa Anime na Evangelion.

May iba't-ibang video game consoles, Arcades, at may Monster Hunter corner pa (isang tumpok sila sa isang side puro may hawak na PSP).

May mga nagperform na bands. Sa dami ng kinantang japanese songs, isa lang ang alam namin. May mga sumayaw din. Late na nag-start ang cosplay kaya sa kasamaang palad, hindi na namin napanood. At sobrang dami na ng tao nung hapon. Literal na hindi na kasya sa loob ng convention room kaya nasa labas na yung iba.

So heto pa ang ilang pictures mula sa event: [Lucky Star Figurines] [Saber (Fate Stay Night)] [woffy (WOF)] [Chi Stolen Shot (Chobits)] (para akong stalker) at sino ang hindi nakakakilala kay [The Wizard!]

Kung at least one time naging bahagi ng inyong buhay ang anime, subukan niyong umattend ng anime convention kagaya nito kahit isang beses lang. Once in a life time experience din siya. Para sa mga guys, maraming magaganda, kyut at seksi. Para naman sa girls, may mga astig at may mga pretty-boy din. So yun! Try niyo hehe. At wag niyo akong gayahin na nahiyang magpa-picture - kaya nga nagdamit ang mga yan para picturan niyo =)

Siguro next stop na ay ang comicon para ma-meet ko naman sila Sir Pol Medina at Sir Lyndon Gregorio... hehe

Ah siya nga pala, wala ako sa mga pictures na yan. Parati kong hawak ang camera.

314

ANG KATAPUSAN NG MUNDO (1)<< >>

Malamang narinig niyo na ang jowk na yan. Natuwa din kasi ako dati sa jowk na yan at bagay din siyang panimula ng series na to=)

gelene
welcome back din =)

fpjjr
Wla eh... may friendster ako pero di ko na ginagalaw =p

queso
Ui salamat haha. Naghihintay nga ako na may magkumento tungkol diyan sa walang kwentang random quotes. Papalitan ko siya siguro every 2 weeks. =)

Jinn
hehe maraming salamat sa inyong suporta.

random quotes compilation

(11/03/2009)
"Is mayonaisse an instrument?"
- Patrick Star (Spongebob Squarepants)

(11/27/2009)
"The Earth? Oh, I'm going to blow it up. It obstructs my view of Venus."

- Marvin the Martian (Looney Tunes)

(02/01/2010)
"Attention everyone, there's a chubby pink starfish on the loose!"
- man over P.A. (Spongebob Squarepants)

(08/01/2010)
"Pikachu!"
- Pikachu (Pokemon)

(10/25/2010)
"I lied... AHAHAHAHAHA!"
- Miriam Defensor Santiago -

(02/06/2011)
"How'd you like me to reach down your throat and pull you inside-out?"
- Jughead to Dilton (Archie Comics)

(04/25/2011)
"Gravity sucks."
- Fact (Narinig kong sinabi ni Dr. Phil Plate sa "How the Universe Works" ng Discovery Channel)

(05/17/2011)
"Am I a pretty girl?"
- Spongebob

(08/20/2011)
"To me, it looked like a leprechaun to me. All I gotta do is look up in a tree. Who else seen the leprechaun say yeah!"
(responses) - "YEEAAHH!!""
- Leprechaun in Mobile, Alabama [click for video]

(08/29/2011)
"Drugs. Uhh... Yes, Of course! I buy from the Mercury Drugs!"
- Guy from Saksi [click for video]

(09/18/2011)
"ExcuUuUUuuUUuUUuuUuse me Princess!"
- Link (Zelda American Cartoon) [click for annoying video compilation]

(10/16/2011)
"Field trip sa may pagawaan ng lapis ay katulad ng buhay natin. Isang mahabang pila - mabagal at walang katuturan."
- Huwag Mo Nang Itanong (Eraserheads)

(01/25/2012)
"Mabuti nang may-iba kaysa mang-iwan."
- Emmanuel Pacquiao

(04/02/2012)
"You guys know who I hate? People who are Mixed Race, also Mexicans, Red Heads and Asians."
- We Didn't Start the Flame War (collegehumor.com)

(04/02/2012)
"Friendship is Magic!"
- My Little Pony
(02/27/2013)
"Mr. President, my high intelligence quotient dictates that I should reconsider and therefore withdraw my motion."
- Miriam Defensor Santiago

313

Thursday, November 05, 2009

<< >>

special thanks to mikas


Injanjo
haha


fpjjr
Pasko na!

GJ

thanks =)

312

Wednesday, November 04, 2009


Para masiguro ang kalinisan sa paghuhugas ng kamay, kantahin ang "happy birthday" (sabi nga ni Madam Susan Roces) not once, BUT TWICE!!! Oh, hanggang sa susunod mga kids. Huwag kalimutang mag-toothbrush araw-araw! >_<


awawawa boltzman

311

Tuesday, November 03, 2009


Napansin kong pabalik-balik kayong nagtsi-tsek kung may update (lalo na sina jinn at fpjjr). Wala akong ibang maibibigay na kapalit kundi ang aking taus pusong pasasalamat (waw parang tatakbo). Sana okey kayong lahat at hindi naperwisyo ng nagdaang bagyo... at sana manalo ang karapat-dapat sa 2010 elections hehe =) Kagaya nga ng bagong header, gising na uli si kisses! Mabuhay ang mga korni yehey!

marty003
Welcome sa kissescomics =)


ivy rav diwata gj hazel fpjjr injanjo Not Lemony Snicket ziaroneyiski siomai Noime thediwata unfaithfulheart Meg yeye/irish tannix rash jinn