256

Friday, January 30, 2009

YANYAN'S SECRET ADMIRER (5)<< >>

tannix
Kalbong panot haha

eliment
thanks. =) Ang galing mong magdrowing at magpinta! Kakainggit =)

255

Thursday, January 29, 2009

YANYAN'S SECRET ADMIRER (4)<< >>

mary & Anonymous
ahehe ^^ Nag-iisip kasi ako ng PE uniform nila. Eh para madalian ako kinopya ko na lang yung social dance uniform natin. Ginawa ko na siyang standard PE uniform nila kaya kahit dito, yan pa rin ang suot nila haha

lQd
Kamukha din niya yung prof nila sa room, sa lab... magkakamukha ang lahat ng mga prof. hehe

Rica
Welcome back ^^

ninong
Ei nagbalik ka na rin! =) Yep kinopya ko kay chacha ang buhok ni lala at pati na rin yung concept ng naka-hood. Magkaiba sila ng mata pero pag nagiging kenkoy si lala nagiging kamukha niya na lalo si chacha haha

254

Friday, January 23, 2009

YANYAN'S SECRET ADMIRER (3)<< >>

siomai
Syempre, si chiclets yan eh =)

253

Wednesday, January 21, 2009

YANYAN'S SECRET ADMIRER (2)<< >>

252

YANYAN'S SECRET ADMIRER (1)<< >>

PE nila (baseball) at mukhang magkakaklase uli silang lahat hehe. Korning love story ulit tayo!

siomai & rash
Sorry ha. Napag-isip ko na i-abandona yung rosas series kaya dinelit ko siya. Pangulit lang din naman kasi yun. Eto ang pinalit ko para magka-progress na rin ang lab story nila 0_o

diwata
Okey lang. =) Welcome back.

251

Tuesday, January 20, 2009

ELECTION OF OFFICERS (12)<< >>

Hazel Manzano
Sensya na hindi pa eh hehe =) Okey lang yung tungkol dun sa fanart ^^ salamat po

250

ELECTION OF OFFICERS (11)<< >>

249

Friday, January 16, 2009

ELECTION OF OFFICERS (10)<< >>

ivy
TALAGA!!? AYOOS! Antayin ko ang pag-send mo sa email ko hehe, Maraming salamat!!!

248

ELECTION OF OFFICERS (9)<< >>

247

Thursday, January 15, 2009

ELECTION OF OFFICERS (8)<< >>

yeye
Hello irish =)

video game

Wednesday, January 14, 2009

lihis lang ako sa komiks panandalian ^_^

Mga Kinaadikan Kong Video Games (In no particular order)

Pictures courtesy of Gamefaqs.com

Resident Evil - Around highschool ako nito. Hindi ko siya kayang laruin sa sobrang takot! Bale si kuya naglalaro sa PC tas spectator lang kami ni ate. Ang liit-liit nung window nung resident evil sa PC namin (panget yata ang pagkakasalin from PS to PC) -one fourth lang yata ng buong screen pero takot na takot kami. Hindi ako nakatulog nun haha. Nung malaki na ako tsaka ko lang napansin na ang pangit pala ng voice overs dito.


Command & Conquer Red Alert - Memorable sa akin yung tugtog na Hell March. Tuwang-tuwa ako sa tesla coil at minsan nga tinadtad ko ang buong base ko nun. Ang ganda ng larong 'to kasi may pagka-realistic siya... Kaya naman para sa akin bulok ang mga sequels nito dahil nagmukha ng Starcraft wannabees.





Shadow of the Colossus - Masaya din naman ang mga maypagka-sci-fi pero iba pa rin talaga para sa akin ang mga realistic. Hindi naman sa sinasabi kong realistic yung may kalaban kang mga dambuhala... Realistic to in the sense na dedz ka pag nahulog ka sa mataas na lugar, wala kang laser guns - sword at pana lang ang gamit mo, pag nadaganan ka dedz ka... alam niyo yun? -yung tipong hindi ka kasing lakas ni goku! Ang saya nito! (although inaantok si ate pag eto nilalaro namin). Sana gumawa sila ng sequel nito.



Strikers 1945 - Kaya ko tong tapusin ng isang token lang. 'nuff said. hehe

















Bust A Groove 1 & 2 - Hapon ang gumawa nito kaya naman masaya ako dahil hindi lang sila nagconcentrate sa J-pop! Actually ang tunog J-pop lang eh yung kay shorty at kitty-n. Yung kay kitty-n more of pop dance pa ang dating. Favorite ko ang BaG 1 dahil sa music at yung BaG 2 dahil sa inayos na gameplay. Magaganda kanta sa BaG 1... except sa mga kantang techno dahil hindi ko talaga trip ang techno. Ang isa ko pa nga palang nagustuhan sa BaG 2 ay ang pagdagdag nila sa character na si Pander! Horror yung character na yun at pati na rin yung kanta kaya ASTIG!

Starcraft -Hindi naman ako talagang super nerd sa larong ito pero alam kong minahalan nila yung Spawning Pool kaya naman lalong naging walang kwenta ang paborito kong Zerg! haha Medyo kabisado ko pa kung magkano ang mga units at structures sa game na to dahil ni-reinstall ko siya nung college ako. Malamang kung gaano naadik ang karamihan sa Dota, ganun din ako kaadik sa starcraft.





Ragnarok Online -Speaking of Dota, eto ang pinagkaabalahan ko nung mga panahon na yun (adik!). May mga nagsasabing SOBRANG GANDA ng larong ito (sila yung mga napakapulot ng magagandang items) at may nagsasabi rin na RAGBULOK to (mga hindi makapulot ng magandang items). Ako ang masasabi ko lang eh na-antig ako ng game na to. (what the) I mean Kamon??? Ang kukyut ng mga character sprites (karamihan ng babae ay lalake), ang kukulit ng mga emoticons (HELP! habang nagfa-flood ng PA HEAL PO!!!), ang gaganda ng tugtog (kainis na Prontera Theme yan!), unique designs ng mga characters (ginawa lang green yung poring malakas na)... ah basta! Naadik talaga ako dito. Pero sa seryosong side, nagustuhan ko yung simpleng computation ng mga stats dito na nagsisimula talaga sa 1 (hindi gaya ng Final Fantasy na parating sumisigaw ang mga numero 99999999 DAMAGE!!!!) Anyway, pinaka memorable ay yung beta days. Yung tipong marami pang namamatay dahil akala nila mahina lang yung kalaban dahil ang kyut. Atsaka maraming nagsasabi ng AMP! sawsaw!!!

Donkey Kong Country - SNES game. Top notch ang graphics nito nung nilaro namin at talagang nahumaling kami. Sobrang adik namin eh kinumpleto namin ang lahat ng secrets 0_o










The Legend of Zelda: A Link to the Past - Isa pang SNES game na kinaadikan namin. Naistak kami sa last part nito sa SNES kaya nilaro ulit namin sa PC gamit ang emulator.










Chrono Cross -Malamang ito na ang pinaka-memorable RPG ko since isa siya sa mga nauna kong nalaro at ilang beses ko din siya inulit. Sobrang dali lang nito. Pwede ka pa ngang tumakbo sa Boss fight! haha Oo nga pala, kung music lang din ang pag-uusapan, the best ang Soundtrack nito.







Pokemon - Tamagotchi and RPG in one! Hindi naman ako yung tipo ng nagpalakas ng pokemon ng todo pero ilang beses ko rin tong inulit. Maganda rin ang soundtrack nito kahit gameboy sounds lang.






Audition Online - Ang challenging version ng Bust a Groove. Girly ang larong to pero para siyang ragnarok na nakakahumaling yung mga kyut na characters. Nakakainis lang kapag puro kayo lalake sa loob ng room... parang badingers. Dahil sa kaadikan ko, kayang ko ang d8 188bpm... pero hindi ko kaya yung naka-chance. Mahilig din ako sa chain pero hanggang x12 lang yata ang max ko. Dahil sa larong ito kaya ako na-introduce sa K-pop (na sa totoo lang eh tunog J-pop lang din naman haha). May magandang kanta dito si Jang Nara - si little lobster sa Mischievous Princess haha.

Silent Hill - Awooo! Patayin ang ilaw at lakasan ang volume ng TV! Nung first time ko tong nakita hindi ko rin siya kayang laruin. Inabot din yata ng taon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na laruin to. Ang major flaw lang ng game na ito ay nakakahilo... atsaka bading nga palang tumakbo si Harry Mason! haha. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko to inulit sa kakapilit na maabot ang 10 star ranking (pero 9.9 lang ang nakuha ko).





Harvest Moon: Back To Nature -Kainis sobrang naadik ako dito dati. Tuwang-tuwa pa nga sila kuya at ate pag nilalaro ko to sa gabi dahil nakakaantok siyang panoorin! Nakakatuwa to kasi pwede kang mag-asawa, so liligawan mo muna. Kung bulaklak ang favorite item nung liligawan mo abay magpabalik-balik ka lang sa bundok tapos ibigay mo sa kanya... ilang araw lang eh gusto ka na rin niya!!! Grabe kung ganyan lang kadali manligaw sa totoong buhay... Basically ang mga gagawin mo dito ay tanim, dilig, ani, alaga ng manok, baka, aso, kabayo, mangisda... yun! May mga festivals para hindi ka agad magsawa pero diyan lang umiikot ang buhay mo araw-araw. haha Nakakasawa din.

246

ELECTION OF OFFICERS (7)<< >>

jeniffer
Waw tagal na mula nung last mong bisita =) walongbote!

rash
Ay uu. Kulang ang kisses pag wala si chippy

gj
new header ^^,

rox
Happy new year hehe

lanie
Ikuta Toma

245

Friday, January 09, 2009

ELECTION OF OFFICERS (6)<< >>

244

ELECTION OF OFFICERS (5)<< >>


Paola
Hello =)

243

ELECTION OF OFFICERS (4)<< >>

242

Thursday, January 08, 2009

ELECTION OF OFFICERS (3)<< >>

241

ELECTION OF OFFICERS (2)<< >>


shena
Salamat ate =)

rash
Magandang ideya yun haha

Jinn
Tinamad na kasi ako eh wakokok

Tey
Oo nga no... parang kamukha yata nung isang character dun si kisses... Ayus! Mukhang makaka-attract nga ng mga lalakeng readers yan hehe

240

ELECTION OF OFFICERS (1)

2009 na!

Wednesday, January 07, 2009

Hindi niyo kailangang maging genius para malaman na nag-enjoy ako sa paggawa ng header na yan 0_o Sila kisses at chiclets sa Bora! (at sila lang ang tao) Palagay ko wala sa personalities ng dalawang yan ang magsuot ng ganyan. Alam kong malayo pa ang summer... wala lang. Baka maka-attract yan ng mga lalakeng readers =p

May pseudonym na rin ako! yahu

yatot
Waw Tenks! Akala ko nawala ka na hehe. Update mo na lang ako sa gagawin niyong webcomic =) Aabangan ko yan.

ivy
Okei lang yun. =) Salamat

siomai
Nagbalik ka din! hehe

tannix
Salamat. Actually pangarap kong ma-publish to. Pero sa ngayon tuloy lang muna ako sa web dahil sa inyong mga readers ko rin naman inaalam kung worth publishing ba talaga ang kisses. Yun tungkol naman sa dugo... medyo hinay-hinay lang ako sa ganun dahil gusto ko talagang maging wholesome tong kisses hehe sensya na.

yvan
Merry Christmas din =)

CJ
Thanks =)

Saminella
Si DH ang nagbigay sa akin niyan. Since japeykers *ehem* ang kopya ko, palagay ko sa torrent niya lang ito nadownload. May isa pa namang alternative - Adobe Photoshop. Ang alam ko yun ang gamit nina Kuya Lyndon at Ate Hazel. Hindi ko lang siya ma-compare sa Manga Studio kasi hindi ako marunong mag-photoshop. At siya nga pala - although black and white ang ine-endorse ng Manga Studio, hindi siya limited dun. Yang header na yan ay sa Manga Studio ko rin ginawa. =)

rash
Happy new year! =)

orange
Welcome sa Kisses comics! Para sa mga new readers na gaya ni orange, wak kayong mahiyang mag-paramdam. Mababait ang mga tao dito. Ingat lang kayo kina Blitzki at DH hehehe jok lang.

Jinn
ehehe sorry. Hindi talaga ako nag-a-update pag holidays. Pag walang pasok lang kasi nakakapag-PC ang kuya't ate ko... mali naman na ipagkait ko sa kanila ang PC eh sila ang bumili ng Computer, DSL, at sila din ang nagbabayad ng kuryente hehe. Anyway, Im bak! =)